ZENY’S POV NAKASALUBONG NILA SA PASILYO SI ELIZE NA MASAYANG NAKIKIPAG-USAP SA IBANG EMPLEYADO. Bumati ito sa kanila. Magalang din na tumugon ang kanyang asawa sa mga ito. “Dadaan lang muna ako sa VP office,” si Lenard at mabilis siyang hinagkan sa labi. “Okay. Sa office lang ako.” Tumango at umalis na. Matapos ipasok ang susi sa keyhole ay dire-diretso siya sa kanyang mesa. Nagpupumilit siya na dalhin na ang mga gamit nilang inihanda para sa tatlong gabi na pag-stay sa office ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang kabiyak. Ipapahatid na lang daw ito sa isa sa katiwala nila sa villa. Hindi raw bagay sa kanya na maraming bitbit, nakakasira raw ng postura niya. Napaka-conscious talaga ng lalaki pero sa kabilang banda, ramdam niya ang kilig na hatid nito. Naalala niya ang envelope na i

