BERNARD Walang kapantay ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayong araw. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa dalawang taong mahal na mahal ko. Napakaswerte ko na sila ang aking mga magulang. Gabi gabi akong nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan nya kami ng mabuting babae para sa aking ama, at itinuring akong anak kahit hindi ako sa kanya nagmula. Sa kanya ko naranasan ang pag aruga at pagmamahal ng isang ina. I remember when I first met my Mama as Teacher Chaira. Unang tingin ko pa lang sa kanya, I knew she was perfect for my father. Hoping that when daddy arrive he would see how perfect she is for us. And he did. I took my part to bring them together. I witnessed how much they love each other, stand together even others wants them fall apart, until we reach thi

