Days, weeks, and even months had passed. After ate’s wedding ay marami ang nagbago at marami din ang nasimulan. Isa na doon ang pagpapatayo ko ng shop dito. Mabuti na nga lang, bago ko pa maisipang umuwi ng Pilipinas ay sinabi at pinilit na ako ni Dane na magtayo ng shop sa Pilipinas. Hindi ko naman lubos maisip na magagamit at magiging useful pala yung pamimilit niya in the future. Ngayon, marami akong kailangang trabahuhin. Ang pag-visit ngayon sa shop, ang gala namin ni Cassey pati na din ang wedding namin ni Dane. Simula kasi nung kumalat ang balita na engaged na kami, at nung kumpirmahin pa namin ito sa kasal ni ate Kate ay walang tigil ang mga message and greetings na natatanggap namin. Dahil na din parte kami ng kilalang pamilya, hindi maiwasan na maging headline kami ng balita

