Nakailang katok ako sa pintuan ng kwarto ni Cassey pero mukhang hindi pa ata siya tapos sa meeting niya. Akala ko ba isang oras lang? rant ko sa isipan ko. Akmang kakatok sana ulit ako ng bigla akong maka-receive ng text sa kaniya. From: Cassey I think I will be late. Mauna ka na kaya doon? Hindi pa tapos ang meeting ko. On going that is why I can’t stand up and open the door for you. Ano ba naman itong babaeng ‘to. Nag-aya aya tapos may ganap pala ngayon. Mabilis akong nagtipa ng mensahe at sinend sa kaniya. To: Cassey Alam mo, if busy ka? Huwag na lang tayong tumuloy. Pwede naman siguro bukas hindi ba? Hindi man lang tumagal ng isang minuto matapos kong isend ang reply ko eh nakapagreply agad siya. From: Cassey No. Hanggang ngayon na lang talaga siya. If mag-i-iskip tayo ng

