“Ate bakit naman ganoon yung asta mo kanina sa harap ni kuya Marco and Cara! Nakakahiya kaya!” medyo inis na tono ni Mike nung makarating kami sa bahay matapos naming mabili yung dapat niyang bilhin. Marahan kong ibinaba ang bag ko sa sofa at naupo. “Manang, coffee please.” sigaw ko bago ko pagtuonan ng pansin si Mike. Nakita ko na mabilis kumilos ang isa naming kasambahay para pumuntang kusina. Sa puntong iyon ay alam ko na ang gagawin niya kaya naman binalingan ko ng tingin si Mike. “He deserves it. Not on my watch, Mike! I know you saw how he acted. Isa pa, I am not being rude to Cara. She's a sweet girl. Sadyang hindi lang ako masaya na nandoon ang kuya niya.” sagot ko. Wala pang ilang minuto ang itinagal mula nung inuutos ko ang aking kape ay mabilis itong dumating. “Ito na po

