“Don’t be stubborn!” he grabbed my wrist at marahas niya akong ipinasok sa passenger seat ng kotse niya.
Pero dahil ayoko ay inasar ko pa siya lalo.
“Ayoko! May kotse ako, magpapahatid ako sa driver namin!” asar ko sa kaniya sabay sipa. Nakaupo na ako sa passenger’s seat pero nakaharap ako sa nakabukas na pintuan nito na siya namang hinaharangan niya. “Ano ba, Marco?!”
“Ano din ba, Mia! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na nga na isasabay kita para hindi hassle pero gusto mo pa din na ikaw yung masusunod!” frustrated niya na sabi. Pumamewang na ito sa harapan ko at tila inis na inis na. Well, deserve mo yan sa lahat ng pang-aasar mo sa akin, bugok ka! Argh!
“You are forcing me to do something na ayaw ko eh! I said na magpapahatid ako sa driver namin!” insist ko.
Sa sobrang frustrated niya ay napahilamos na ito sa mukha niya gamit ang mga palad niya. Lihim akong napa-ismid. Yan nga, ganyan nga—mainis ka ng todo.
“No! Parehas lang naman tayo ng pupuntahan at isa pa, maiistorbo mo pa yung driver niyo.” inis na inis niya na sabi. “Nag-iisip ka ba ha, Mia?!”
Ha? Nanlaki ang mata ko at napanganga sa sinabi niya. “Anong sinabi mo?” I gritted my teeth and closed my fist. That’s foul!
Pero imbes na magsalita siya ay hinawakan niya ang mga paa ko. “Hey! What are you doing?! Let go of my—”
“—I won’t do anything! You're so stubborn!” aniya. Ipinasok niya yung mga paa ko na nakalabas at nung magawa niya iyon ay mabilis niyang isinara ang pinto ng kotse niya.
Argh! Itong lalaking ‘to sumusobra na talaga—kainis. Wala akong nagawa kundi ihilamos ang mga palad ko sa mukha ko dahil sa sobrang inis. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat.
I can't believe this. Katabi ko yung aroganteng lalaki na ‘to ngayon. Ang kapal naman talaga ng mukha nito. Argh! I'm still mad at him. How dare he say that! Hindi ba siya nakakaramdam ng kahit konting hiya man lang or konsensya that he took my first kiss? I just shrugged. Pinandilatan ko siya ng mata.
“Don't stare at me!” aniya.
“Don't assume. Hindi kita tinititigan, kainis ito.” bulong ko. Saka na siya nagsimulang magmaneho. In all fairness, he's good at hindi kaskasero. No wonder why he already had a driver's license at his age.
“I'm not assuming like you. Alam ko naman na sa akin ka nakatingin, kaya bakit pa ako maniniwala sa mga sinasabi mo?” mayabang niyang pagkakasabi.
Woah. Just woah. “Jeez, ang yabang!”
Sa sobrang inis ko, pumadyak ako ng pagkalakas dahilan para lumagabog ang kotse niya pero medyo ako ata yung nasaktan kaya napadaing din ako. Yumuko ako ng kaunti para hilutin yung paa ko tapos itong kumag na ‘to imbes na tanungin ako kung okay lang ako eh hindi man lang nagsalita.
"Jeez, that one really hurts huh." bulong ko. “Tapos hindi man lang ako tinanong kung okay ako.”
Palihim ko siyang tinignan pero hindi man lang siya nag-abalang kamustahin ako? Naka-ismid pa ito habang patuloy na nagmamaneho. Nahalata niya sigurong nasaktan ako pero hindi siya nag-abala na magtanong.
Sa sobrang inis ko, ako na nagtanong sa kaniya. “Hindi mo man lang tatanungin kung nasaktan ako?”
“Bakit naman eh ikaw may gawa niyan sa sarili mo. Did it satisfy you?” sabi niya pa na parang nang-aasar.
Inirapan ko na lang siya. "Fine! It satisfies me. Sana masira yung kotse mo!" ganti ko. Then I pony my hair and I also stop staring at him baka akalain niya pang minamayak ko siya. Eww! For Dane lang itong virgin eyes ko.
Nakasimangot lang ako buong mall time namin. Siya pumili lahat, di man lang siya nagtanong sa akin. Para lang akong bodyguard or to be worst, chaperone– na sunod ng sunod. Bakit pa kaya ito nag-abala na isama ako?! Kaya naman niyang mag-isa!
Naisipan na lang namin na doon na mag-lunch at mag-dinner. Tutal naman nasa mall na kami eh. At least nakakain man lang kami bago kami maka-uwi diba?
Simple lang ang pagkain namin. Walang keme keme business. Dahil nadin siguro sa pagod at gutom. After we ate, we decided na umuwi nadin. Buti na nga lang daw at mauunang daanan ang bahay ko kesa sa bahay niya.
“Bye, stupid!” he teased me. Bago ako tuluyang makababa. Nang makababa ako ay agad ko siyang tinignan nang masama.
"Are you referring to yourself? Don't be too harsh. Umalis ka na nga!" ganti ko nang pataboy. Well, nakakaasar kaya siya.
****
Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Wala naman sila mommy at daddy ngayon. I think tulog nadin si ate Kate at yung si bunso. Madali kong binuksan ang laptop ko na nakapatong sa study table ko. Sinearch ko yung Marco Aquino na yun and...
Omg! Mas marami pa ang followers at likers niya sa f*******: kesa sa akin. Damn! Lamang na lamang siya sa akin..
Calling Cas...
I suddenly stopped looking at my laptop when my phone rang. Si Cassey pala tumatawag.
“Hello?”
“Ano?! How was your date? Nasa getting-to-know each other stage na ba kayo?”
Sumalampak ako sa kama ko. Sa lahat ng magandang tanong 'yan pa talaga ang naisipan niya.
“Darn! How you can call that a date, eh magdamag akong nakabuntot sa kaniya. He didn't even gave me glare or even ask me kung gusto ko ba yung binili niya.” naghyhysterical kong sabi. “God! I looked like a chaperone..”
I heard her giggles and chuckles. “Hmp–don't worry, may pasalubong ako sayo tomorrow pag-uwi ko!”
I sighed. “Okay, fine. Dapat pala sayo na lang ako sumama.”
“It's okay, bes. We can't do anything na, tapos na eh. Nangyari na, basta next time ah. Yung plan natin, umaapaw kasi yung confidence eh. Bye!”
Call ended...
Di ko talaga ma-imagine na ang kapal talaga ng mukha nung lalaking yun. Sa ganda kong ito napasunod niya ako na parang aso at nasabihan niya ako ng STUPID?! Well alam kong walang connect.
Napasabunot na lang ako sa sarili ko nang biglang may nagtext. At first, I thought it was from Cassey kasi binabaan ko agad siya without replying. Pero nung nakita ko ay agad akong na-nganga.
From: Dane my labs
Mia, are you still up?
Oh gosh. He texted me! He's not mad at me. He's okay!!! Wtf! Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nagtipa.
To: Dane my labs
Yup. I'm still up. Do you need anything?
After a couple of minutes. He replied!
From: Dane my labs
Nothing. I just want to know if you're free tomorrow? Maybe you can visit me.
Oh gosh! Am I dreaming? He's asking me to visit him. Of course! Paano ko matatangihan ang grasiya diba?
To: Dane my labs
Oh sure. I'll go there maybe before lunch.
From: Dane my labs
Okay. Goodnight!
To: Dane my labs
Goodnight too.
Omg! I can't wait for tomorrow. Siguro mas mabuting mag-hanap na ako ng masusuot. Hindi pa naman ako inaantok eh. Ito ata ang pinakamagandang nangyari sa araw ko ngayon.