"Yes. Sure na, Ruth." Natatawa kong naiiwas ang phone na hawak ko mula sa tenga ko dahil sa pagtitili na ginagawa ni Ruth sa kabilang linya. Mula kaninang makabalik na ako, ang mga kaibigan ko, at ang members ng 7 Demons dito sa Martenei pagkatapos naming i-dispose si Skye ay hindi na tumigil si Ruth sa katatawag sa akin. Kulang ang limang beses na sinabi ko na matutuloy na talaga ang pagsunod ko sa kanila sa US. Kailangan ko pa iyong ulit-ulitin sa tuwing tumatawag siya at nakasampung tawag na siya. At hindi ang telephone bill ang magiging problema ko habang nagbibiyahe kundi ang pagpupuyat ni Ruth dahil sigurado akong hindi siya matutulog sa paghihintay sa akin. "I'll see you soon, Ruth," muli kong pagkausap sa kanya sa kabilang linya. "I can't wait to see you, my loves! I miss you

