At heto na nga, narito ako ngayon sa kitchen dahil duh, busy ako sa pagluluto ng masarap na ulam for my one and only loves Clem. At dahil hindi ako mapag-decide kung adobo o sinigang ang iluluto ko, ang ginawa ko ay sinigang na adobo na lang. My gosh, ang galing ko talaga. Buruin n'yo ay nakapag-imbento ako ng bagong recipe for my Clem. I can't wait for Clem to say na hindi lang ako magaling na artista kundi magaling pa na taga-luto niya. Nakakakilig pa naman kapag pinupuri niya ako, haaay. Kaya naman hindi ko na muna titikman iyong niluto ko. Sabay na lang kami ni Clem mamaya. Hmm, tama na siguro ito kasi halos isang oras na siyang nakasalang. Pahinga muna ako and then later, maliligo na para kapag dating ni Clem, I am looking fresh and ready to be eaten na. Ay, ang dirty ng utak ko. I

