Pagkatapos ng mga klase ay sa Torture Room ako dumiretso imbes na puntahan si Ruth sa unit ko. Ito ang nakasanayan kong gawin sa araw-araw na buhay ko rito sa Martenei at gayundin din ang mga kaibigan ko may paparusahan man kami o wala. Kung meron, then gagawin namin ang pagpaparusa ayon sa bigat ng kasalanan ng mga estudyanteng ipinapasok dito. Minsan, simpleng pananakot lang. Kapag nadala sila roon, well and good. Kung medyo mabigat na at nadadamay na ang iba ay saka kami namimisikal. Today is one of those days na walang pasaway na estudyanteng ipinasok ngayon dito sa Torture Room. It's time for us to just relax at magkuwentuhan ng mga kaibigan ko. Ngayon nga ay kaharap ko sina Summer at Flame. Nasa harapan namin ang tig-iisa kaming bote ng ice-cold beer. "Hindi ka ba nag-iisip

