"Papasok ka na?" Napalingon ako kay Ruth mula sa ginagawa kong pag-aayos ng sarili mo sa harap ng salamin. "Yes. Don't worry, I'll send someone para makasama mo habang wala ako." Kaagad kong dagdag dahil sa paglungkot ng mga mata niya. "I'll try to excuse my self from my other subjects para maaga akong makauwi mamaya." Sa sinabi kong iyon ay sumigla ang mga mata niya at napangiti na siya. "Really?" Masaya na siyang lumapit sa akin at yumakap pa. "Opo. Really po," pagbibiro ko na ikinahagikgik niya. "Anyway, I need your phone." "Ha? Bakit?" "May ipapakuha akong data kay Sanders." "Kay... Kay Skye ba?" Nawala ang ngiti ko nang makita ko kung paano naaapektuhan ngayon si Ruth kahit banggitin lang ang pangalan ng artistang iyon. "Yes," maikli kong tugon sa kanya. Actually

