Chapter 46: Ruth

1951 Words

Muntik na akong mahulog sa lapag dahil nakaidlip ako. Mabuti na lang at kaagad akong nagising bago pa ako tuluyang mapadausdos mula sa sofa na kinahihigaan ko. Tumingin ako sa wall clock. Alas dos na ng madaling araw ngunit wala pa rin si Clem. Nag-aalala akong napatingin sa phone ko. Malapit na itong ma-lowbat. Paano kasi kanina ay ilang beses kong sinubukang tawagan si Clem ngunit nanatiling sarado ang kanyang phone. Ayoko namang tumawag sa mga kaibigan niya. Una, ayokong mang-istorbo. Ikalawa, ayokong malaman nila na may hindi kami pagkakaintindihan ni Clem. At ikatlo, ayokong malaman nila ang dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan kaya heto, nagdesisyon na lang akong hintayin ang pag-uwi niya. Pero kanina pa ako naghihintay, kanina pa ako hindi mapakali, at kanina pa ako nag-aal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD