Third Point of View Kanina pang hindi mapakali si Brixton sa kanyang kinauupuan. Natapos na ang kanyang speech pero hindi pa rin dumarating si Shaina. Nag-aalala na siya para rito kaya't hindi na niya maiwasan tanungin sina Mr. at Mrs. Castellejo. "Nag-text na po ba sa inyo si Shai? Kanina ko pa kasi hindi nakikita." hindi mapalagay na saad ng binata sa magulang ng dalaga. "Don't worry. Paparating na 'yon. Sabi niya kasi may inasikaso lang siya sandali." ang ama ni Shaina ang sumagot. Tumango lamang ang binata bilang kanyang tugon. Patuloy pa rin ang paggala ng mga mata niya sa paligid. Hinablot niya ang phone saka tinawagan si Shaina. Nagri-ring lamang ito at walang balak na sagutin. Sinubukan niya muling tawagan sa pangalawa hanggang sa tatlong beses. Mga ilang sandali pa ay tumayo

