✧FAITH ZEICAN LEE✧ LINGGO ngayon at maaga akong nagising dahil church day namin. Pero dahil masyado pang maaga, nanatili muna ako sa kama ko nang ilang sandali, habang nag-s-scroll sa phone ko. May mga messages sa akin si Chloe kagabi pa at ngayon ko lang 'yon nabasa dahil hindi ko hawak ang phone ko kagabi. Iniwan ko 'yon sa kuwarto kagabi habang nasa sala kaming lahat, nagkukuwentuhan, kasama si Poppy. At hanggang sa pumasok ako sa kuwarto kagabi para matulog ay hindi ko man lang naisipang buklatin ang phone ko para i-check dahil masyado akong nalibang. Nangungumusta si Chloe kaya ni-reply-an ko siya. Kinumusta niya rin si Poppy. Mukhang alam na niyang narito sa amin si Poppy, siguro ay ipinaalam sa kaniya ng parents niya. At ang bukambibig niya sa mga message niya sa akin ay siya raw

