Araw-araw na dinadalaw ni Anica si Natasha sa hospital. At araw-araw din niyang napapansin na hindi man lang nito binibisita ang anak niya sa nursery. Nang dumalaw siya sa kapatid. May isang araw nang dumalaw siya, Nakita niya ang isang lalaking lumabas sa silid ni Natasha nang puntahan niya ang kapatid Nakita niya ang takot na takot na mukha nito. Tinangka niyang kausapin ang kapatid ngunit hindi naman ito sumagot. Hindi lang isang beses Nakita ni Anica ang lalaki na pabalik-balik sa hospital. Minsan nang dumalaw siya dito, narinig niya si Natasha at ang lalaki na nagtatalo. Hindi niya gustong makinig kaya lang dahil nag-aalala siya sa kapatid pinakinggan niya ang usapan nang mga ito. Narinig niyang hinihingi ni Natasha ang isang video sa lalaki. Sa tono nang boses ni Natasha parang tak

