General. Nakikiusap kami saiyo. Huwag niyong iuurong ang kaso. Alam naming makapangyarihan si Senator Florez. Pakiusap bigyan niyo nang hustisya ang nangyari sa anak ko.” Wika nang ginang na dumating sa tanggapan ni Andrew. Dahil sa lumabas na balita, nagdesisyon ang pamilya nito na makipag cooperate sa kaso. Noon ayaw pa nitong pumayag dahil sa kapangyarihang hawak nang senador ngunit dahil sa ginawa ni Aster at sa paglabas nang balita, Nagkaroon nang lakas ang mga ito. Kasama nang babaeng ito si Dennis na siyang humahawak din sa kaso nang isa sa mga babaeng biktima. “Talagang sinusubukan nang Andrew Bryant na iyan ang pasensya ko!” galit na wika nang senador nang biglang lumabas sa Telebisyon ni Andrew. Isang press conference ang inilunsad nang binata at sinabi sa publiko na tuloy ang

