S-Shin----” paungol na usal ni Anica nang maramdaman ang masuyong haplos sa mukha niya. Marahan siyang napamulat nang mata saka bahagyang ngumiti nang maaninag ang mukha nang asawa na nakaupo sa tabi niya. Nasa Eroplano parin sila papunta sa honeymoon destination nila. Masyado pa siyang nabigla sa bilis nang mga pangyayari. Pero hindi naman siya nangangamba dahil Malaki naman ang tiwala niya kay Andrew. Dahil Siguro sa labis na pagod sa mga nangyari sa loob nang isang araw kaya muli siyang nakatulog. Kung hindi pa niya naramdaman ang haplos sa mukha niya hindi siya magigising. Unti-unting luminaw ang paningin niya ang mukha nang nasa harap. Nang maging malinaw sa kanya ang mukha nang nasa harap agad siyang napatayo sa kinauupuan niya nang hindi si Andrew ang makita niya. Bigla siyang nat

