Anong sinasabi mo?!” asik ni Aster nang dumating si Rafael at Trisha sa safehouse nila. SInundo siya nito upang ihatid sa bagong safe house kung saan ito mamalagi hanggang sa malutas ang kasong hawak nila. Napatingin ito kay Andrew. Sinabi din nito sa dalaga na ibang grupo na ang mag babantay sa kanya habang nasa safe house na iyon dahil sa dami nang kanilang ginagawa. “General? Sinabi mong hindi mo ako iiwan, paano kung tangkain ko na namang kitlin ang buhay ko?” ani Aster kay Andrew. “Then, that’s your choice.” Simpleng wika ni Andrew. Gulat namang napatingin Ang lahat sa General nila. “I am sorry for what happen. Kahit na anong gawin kong pagkalinga sa iyo kung ikaw mismo hindi ka handang humakbang then wala akong magagawa. I have already help you. I saved you from dying and gave

