The Break Up Scene
Hindi ko alam kung gaano kabilis ang mga araw na nagdaan ang mga panahon bigla na lang lumipas na hindi ko namamalayan na nandito na ako sa sitwasyong kinakatakot ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa nakalipas na taon. Kung bakit biglang naging ganito na lang. Kung kailan abot kamay ko na tsaka pa kukunin sa akin ang taong iniingat-ingatan ko.
Tinignan ko ang langit, gabi na naman. Ilang gabi na ba tayong hindi nag-uusap? Ilang araw na ba simula nung iniwasan mo ’ko? Ilang araw na ba nung simula noong nag-decide ka na ‘wag akong kausapin kasi hindi mo na ako kayang makita o makausap? Gusto ko lang naman malaman kung bakit? Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Saan ako sumobra? Bakit bigla ka na lang naging ganyan?
Hindi ko naman siguro deserve iwan na lang ng walang paalam, ‘di ba? Siguro okay lang naman malaman ang dahilan kung bakit? Kasi hindi ba nila alam na sobrang gulo at ang daming tanong sa isip ko, kung ano ba ang pagkakamali ko? I just wanted to know what are the reasons why did you leave me when I needed you the most? I just wanted to know the reason why did you cheat? I deserve to know the f*****g reasons are! Just give me a valid reason, and I’m willing to let you go.
I begged you stay, nag-stay ka nga pero pinaparamdam mo na ayaw mo na rin naman. Hindi ko rin maintindihan ‘tong sarili ko eh. Hindi ko alam kahit anong sakit, kahit anong hirap sa pakiramdam ikaw pa rin ang gusto kong makasama at makita. Boses mo pa rin ang gustong kong marinig para paalalahanan akong magiging okay lang din ang lahat.
Pinahid ko ang mga luha kong pumapatak na naman. Wala bang kapaguran ‘tong mga ‘to?! Pagod na pagod na ako sa naraaramdaman ko. Gusto kong matanggal ang sakit at bigat sa pakiramdam.
I looked at the stars. I whispered. ‘Please guide me. Please heal me.’
Ramdam na ramdam ko ngayon ang lamig ng gabi, nandito ako ngayon sa terrace kung saan una tayong nag-usap. Tanda mo pa ba lahat? Tanda mo pa kung paano tayo unang nagkausap?
Hindi ko mapigilang mapaiyak na naman sa mga naiisip, bakit ba ang daling itapon nang lahat sayo? Ganon-ganon na lang ba? Tipong itatapon mo na lang ang lahat dahil hindi ka na masaya?
“f*****g reason,” I uttered. I wiped my tears again. Hindi na tumigil ‘tong mga punyetang luha! Kanina pa hindi man lang pag pahingahin ang mga mata ko. Pagod na pagod akong tumingin sa kawalan.
“Celestine…” I stiffened when I heard that voice. He’s here. He’s f*****g here. Hindi agad ako humarap sa kanya. Ayaw kong makita niya akong ganito kahina pagdating sa kanya. Sobra-sobra na ang pag mamakaawa kong bumalik siya at kausapin ako.
Naramdaman ko na lang na umupo siya sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon. Ang naririnig ko lang ngayon ay ang t***k ng puso ko. Siya lang talaga ang nakakagawa non. Siya lang at wala ng iba. Siya lang ang nakakapag pabilis ng t***k nang puso ko.
I heard him sighed. I don’t want to look at him. Kahit hindi siya nagsasalita, alam kong, kung ano na ang mangyayari.
Bakit ganon? Bakit ngayon, kahit ang lapit lapit lang niya parang ang layo niya? Hindi ko na siya matanaw, hindi ko na siya maramdaman. Wala na ang init na dala niya, lamig ng simoy nang hangin na lang ang na nanatiling nararamdaman ko ngayon.
“Christine, look at me,” sabi niya at narinig ko na naman siyang nagbunga ng hangin.
Matapang kong tinignan siya. Tinignan ko ang mga mata niya. Hindi na siya tulad ng dati. Wala na ang kislap ng mga mata niya pag nakatingin siya sa’kin.
I bit my lip so hard. I don’t want to cry in front of him. I don’t want to give him that satisfaction. Masakit na ‘yong ginagawa niya, tama na yung nagmakaawa ako nung mga na unang araw.
“Why.. Apollo… What?” hindi na ako makapag isip ng sasabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung itatanong ko ba kung anong nangyari. Kung bakit niya ako ginaganito ngayon?
“I’m not happy anymore,” he said while looking at me. I smiled but did not reach my eyes.
“That’s it? That’s your bullshit reason?”
Hindi ba pwedeng kung hindi ka na masaya, magpahinga ka muna? ‘Wag kang sumuko agad? Mag-isip muna ng maayos, para hindi padalos-dalos ang desisyon.
“Hindi lang ‘yon, Tin! We’re so toxic to each other! Can’t you see? I cannot handle this relationship anymore! I’m too busy with my studies! Ta’s sasabayan pa nitong relasyon na ‘to? Ang f****d up na!”
“Is that the reason why you also cheated on me?” I needed to ask him that. Kailangan ko ng sagot. Ayokong mabuhay sa puro tanong kung bakit nangyari ang mga bagay na ‘to.
“Yes,” I bit my lip again, this time I bit it too hard causing a cut on my lower lip. Hindi ko ininda ang sakit, mas masakit yata ang mga naririnig ko ngayon.
“I’m sorry, Christine, but you need to accept the fact that I’m not happy anymore with our relationship.”
I shook my head over and over again. My tears won’t stop parang sirang gripo na ayaw tumigil ang mga luha ko. Unti-unti kong iniintindi ang mga sinabi niya.
“I needed this. We needed this,” he said and sighed. He held my hand tightly. “Please, I’m begging you, let me go. I want to be happy but with someone else.”
I began to cry hard. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita, ‘di ko alam kung paano ako magsisimulang igalaw ang bibig para lang sagutin ang mga sinabi niya. I don’t know what to say, and I don’t even know how to react!
Huminga ako ng malalalim. Pilit na umimik para lang matanong sa kanya ang mga dapat kong itanong. “Do you still love me?”
“Pag ba sinabi kong hindi na kita mahal, hahayaan mo na ba akong sumaya at umalis sa relasyong ‘to?” sabi niya at ikinatawa ko naman iyon ng pagak. Kahit naman sabihin niyang mahal pa rin niya ako, hindi pa rin magbabago ang isip niya. Nakapag desisyon na naman siya.
“I loved you. I loved you so much.”
Kumapit ako sa kanyang kamay ng mahigpit. Malinaw naman ang pagkakarinig ko, alam ko naman na minahal na lang niya ako ngayon pero ngayon ko lang na pagtanto na pwede pala ‘yon? Pwede pala dahil sa hindi ka na masaya, pwede palang mag-iba yung nararamdaman mo. Pwede pala yung masaya kayo sa una, pagdaan lang ng buwan at taon biglang hindi na.
“Ang bilis mo naman akong bitawan,” I chuckled, though it hurts so much. I bit my lip as a tear escaped from my eye. “Ikaw na nga lang yung meron ako ngayon, iiwan mo pa ako,” I whispered in between my sobs.
“That’s the problem, Christine. You are depending on me. Pwede ba tumayo ka naman ng mag-isa? Walang tulong ng iba.”
Lalo naman akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Kaya ko naman. Kaya ko naman talaga pero sana ‘wag naman ngayon. ‘Wag niya akong iiwan dahil walang-wala ako ngayon pero oo nga naman, hindi nga naman niya ‘to problema. Sino nga ba naman ako ngayon sa kanya?
Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mga mata niya. Ngumiti ako, yung natural kong ngiti pag siya ang nginingitian ko. Hindi naman siguro masama ‘di ba? Huli na naman siguro ‘tong pag-uusap namin.
“I’m sorry, Apollo,” tumango ako at pinunasan ang luha ko. Binalik ko sa kanya ang tingin. Hinaplos ko dahan-dahan ang kanang pisngi niya. “I’m so sorry for everything. I’m sorry if I went overboard. Kung may pagkukulang ako, kung sumobra ba ako na ikinaayaw mo.” I chuckled a little.
Hinaplos ko lang ang kanang pisngi niya at hinawakan naman niya ang kamay ko at napapikit naman siya. I know him. Am I hurting him so much?
“I’m sorry if I’m being selfish,” I licked my lips, my tears flowing faster. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking kamay. “I love you so much, Apollo. I really do. Always still and always will.”
“Baby…” bigla naman niyang sambit.
Tinikom ko ang bibig ko. Ayaw ko munang magsalita, gusto ko munang pakiramdaman ngayon na kapit-kapit niya ang kamay ko. Huling beses na naman.
I looked at the stars, and I couldn’t help but sob. “Apollo…No, please, don’t call me that,” my lips were quivering. Lalo namang humigpit ang kapit niya sa’kin.
“God knows how much I love you, how much you mean to me,” I started. “I love you so much, my love. I love you so much to the point that I am willing to let you go now. Even though it hurts so much.”
Bumitiw na ako sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Binuksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa’kin. Kita ko ang pag-aalinlangan niya sa mga mata niya pero umiling lang ako. Parang ‘di ko kakayanin kung tatagal pa ‘tong pag-uusap namin. Parang ‘di ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas kasi yung lakas ko naging kahinaan ko ngayon. ‘Yong lakas ko iiwan na ako.
Tumango na lang ako at hindi ko na kayang salubungin mga tingin niya sa’kin. Ramdam na ramdam ko na ang lamig pero hindi ‘yon ang dahilan kung ba’t nanginginig ang buo kong katawan.
“Apollo,” sambit ko. “You can go now. I’m okay. I’m sorry, and thank you for everything.”
Napatingin naman agad siya sa’kin ng biglang pagtayo ko. Naglakad ako patungo sa railings, sumandal at tumingala sa langit.
“Tin,” tawag niya ngunit hindi ko siya nilingon. I smiled while looking at the stars.
“You are my star, and that’s forever. You will always be a part of me that no one could ever take that place,” ramdam kong nakatingin lang siya sa’kin kaya nilaksan ko na ang loob ko. Nilingon ko siya at tumingin sa kanya habang nakangiti.
“I’m so proud of you, will always be. Build high, my engineer.”
“Christine,” tawag niya sa’kin, umiling lang ako muli sa kanya. Hindi ko na kayang makita pa siya na nagdadalawang isip dahil sa awa na lang. “Thank you and please, take care of yourself. You will shine like stars in the sky.”
Napatingin na lang ako sa likod niya habang papaalis siya sa condo. Dahan-dahan akong napaupo kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. Sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Ilang beses ba akong umiyak sa araw na ‘to? Pati sa nagdaang araw?
Hindi ko maipaliwanag. Ang sakit-sakit makita yung taong mahal mo tinalikuran ka na lang basta-basta dahil sa hindi na masaya. Sinukuan na ako nang taong niminsan hindi ko naisipan sukuan. Ang sakit naman na hindi na mapapanindigan lahat ng mga pangako at plano sa isa’t isa. Akala ko walang hanggan, akala ko lahat malalagpasan bawat pagsubok na ibato sa atin, ‘yon ang mga pinangako mo eh, naniwala ako.
Pero bakit tayo napunta ngayon dito sa dulo? Winakasan mo na lang ng biglaan.