Written in the stars 10

1211 Words
I chuckled when I heard Kai was sneezing as he pushed the cart. Nasa supermarket kami ngayon dahil napagkasunduan namin na mag-grocery muna bago mag-movie marathon. Bibili lang kami snacks. Natatawa pa rin ako dahil bago kami nakarating ng bahay eh, basang-basa talaga kami. We just took a bath and after that we headed to the supermarket to buy some snacks nga. Tawa pa rin ako nang tawa habang nakikinig kong umuubo-ubo si Kai sa tabi ko. “Let’s enjoy the rain pala ha?” sabi ko sa kanya na natatawa pa rin. He just rolled his eyes at me. At iniwan ako nang walang hiya dahil inunahan akong maglakad patungo sa mga canned beers. I just shook my head at pinuntahan agad siya. “Hoy, don’t. Alam mong inuubo ka na nga, mag-coffee na lang tayo.” sabi ko sa kanya habang binabalik ko ang mga nakuha niyang beer. “Bili na rin tayo pang lunch, Kai,” sabi ko pa sa kanya at tinanguhan lang ako. Napakasuplao naman nitong lalaking ‘to ngayon! “Suplado,” bulong ko at inunahan ko siyang pumunta sa meat section. Mag-iisip pa sana ako nang kung ano ang iluluto ng maisip kong sobrang lakas pa rin pala nang ulan. “Do you want tinola?” I asked him when I felt that he’s beside me. “Please, I want soup.” Napatingin naman ako dahil nagiging husky na ‘yung boses niya. Medyo namumula na rin ang ilong niya marahil ay magkakasipon siguro siya. “Let’s buy you some medicine,” sabi ko rito at nagsimula na akong kumuha ng chicken, gulay, at kung ano pang pwedeng ingridients sa tinola. Medyo nakakaawa na rin itsura ni Kai parang hinang-hina na. “Apollo,” tawag ko sa kanya. Nagulat naman siya nung tinawag ko siya sa 2nd name niya. He chuckled when he heard me calling him by his 2nd name. “Yes, Christine?” I groaned when I heard him saying my name. Ayoko talaga na tinatawag ako nang name ko kasi masyado pang babae. “Lapit ka rito,” pinalapit ko siya sa’kin pa i-check kung may sinat na ba siya o wala. Pagkalapit na pagkalapit niya tsaka ko naman nilagay ang kamay ko sa leeg at noo niya para maramdaman ko kung mainit ba siya o hindi naman. “Hindi ka naman mainit pero ba’t ganyan ang mukha mo?” tanong ko sa kanya. He just smiled at me. “My nose is kinda sensitive, though. Maulanan, pahawakan, or what, sisipunin na agad ako. Don’t worry, I’m fine. Let’s go.” aniya sabay tulak sa cart, nilingon niya pa ako dahil hindi ko siya agad na sundan kaya naman naman nagmadali akong lumapit sa kanya. “Okay na ba ‘tong mga ‘to?” tanong niya sa akin at tinuro ang mga nasa cart na tulak-tulak niya. Chineck ko naman isa-isa ang mga nandoon. Siguro okay naman na ‘to, kaya tumango na lang ako sa kanya. Papunta na sana kami sa counter when we saw Brent with someone. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kai at ako naman ay biglang napailing. I just shook my head and laughed with Kai. Typical Brent Sage. Pupuntahan ko na sana si Brent ng bigla akong hinigit ni Kai at umiling. I just smiled at him and nodded. ** “Magbihis ka na muna then I’ll cook something for you,” sabi ko kay Kai habang inaayos ang mga pinamili namin. Magluluto muna ako nang tinola para sa kanya para naman kahit papaano mainitan ang katawan niya. “I’m fine, Tin.” sabi niya sa’kin habang tinutulungan ako sa mga binili namin, pero kita ko naman na namumutla na siya. I just rolled my eyes at him. Sinamaan ko siya nang tingin. “Don’t fight with me, Kai Apollo. Magbihis ka na muna tas maghanap ka nang papanoodin natin.” pinal na sabi ko at pinuntahan siya para agawin ang mga ibang pinamili namin. “Christine, I sai–,” ‘di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil sinamaan ko siya ulit nang tingin. “Out now.” Natawa naman siya sa sinabi ko at inilagay na sa table ang ibang pinamili namin. He chuckled. “Yes, ma’am! Katakot ka.” sabi niya bago ginulo ang aking buhok. I slapped his hand at lalo naman siyang tunawa nang tumawa. “Shoo! Sige na, i’ll take care of these. Doon ka na sa room mo. I’ll let you know pag tapos na ‘tong niluluto ko.” Tinulak ko siya palabas nang kitchen at tumawa-tawa siya. “Oo na. Oo na. Oo na. Stop pushing me away,” sabi niya at tumawa na naman siya. I just looked at him in the eyes. “I’m not pushing you away!” sabi ko bigla sa kanya. He was shocked when I said that. Oh my god. What did you just say, Tin? Nabigla naman ako sa sinabi ko kaya bigla akong tumalikod sa kanya. I heard him chuckling. Gustong-gusto ko nang sapakin sarili ko kung ba’t ko bigla ‘yon nasabi. Feeling ko double meaning ‘yon sa kanya! Or more like sa’kin? Akala ko nakaalis na siya pero bigla na lang siyang lumapit sa’kin while smirking. I just want to slap his hard and kiss him— wait what?! “So you’re not gonna push me away if I want to be close to you huh?” He looked at me. Humakbang pa siya papalapit sa’kin hanggang sa macorner niya ako. I gulped. Why is he being like this?! “W-what?” utal kong sabi sa kanya. I don’t want to be this close to, Kai. He makes my heart beat so fast. Feeling ko anytime aantakihin ako sa puso. Mas lalo naman niyang nilapit ang sarili niya sa’kin at bigla siyang ngumit. He sighed. He tapped my head. “I was just joking. I’m sorry, Tin.” Hindi naman ako sumagot at tinitigan ko lang siya, pero hindi pa rin siya lumalayo sa’kin. Tinignan ko lang siya at napansin kong sobra na ang pamumutla niya, medyo mapula na rin ang ilong pati mga mata niya. Bigla kong tinaas ang kamay ko at biglang namang nanlaki ang mga mata niya. Akala siguro nito sasampalin ko siya. I smirked at him. Tinapat ko sa noo niya ang kamay ko at pinitik ko siya roon. “Napakasama kasi nang ugali mo.” sabi ko sa kanya at tuluyan kong dinikit ang kamay ko sa noo niya. My eyes widened when I felt his forehead was hot. “You’re burning hell!” I told him. He just shrugged. Hinila ko siya papunta sa living room at pinaupo sa couch. I got the medicine that we bought earlier. I tsked. “Ba’t ang tigas kasi ng ulo mo? Sabi ko kasi sayo magpahinga ka na lang kanina ang kulit! Paenjoy-enjoy the rain ka pa ha!” I hissed. Inabot ko sa kanya ‘yong gamot at tubig. He shook his head. “I don’t drink meds, Christine,” he said at bigla na lang siyang sumandal sa’kin. I sighed. “Please? Just take some meds so you could feel better.” I heard him sighed. “Alright, pero pwede bang pahiga muna? Saglit lang?” “Okay,” tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin at napasandal ako bigla sa couch. Doon na siya humiga sa lap ko. I was stunned for a second but I just sighed looking at him. Nakapikit siya habang nakatakip ang braso sa mga mata niya. Ramdam ko ang init na lumalabas sa katawan niya. I don’t know what happened next, but I just saw myself caressing his hair. Naramdaman ko ring natigilan siya sa ginawa ko pero maya-maya ay parang naging relax na rin ang katawan niya, pinagpatuloy ko na rin ang ginagawa ko sa ulo niya at hindi ko namamalayang nakatulog na rin pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD