Tin
I don't know what to think after what he had said to me earlier, sobrang lakas ng t***k ng puso ko kanina habang nakatingin sa kanya, habang sinasabi niya iyon sa akin. After that incident, I just looked at him and gaped. Hindi na rin naman siya nagsalita pagkatapos noon.
Buti na nga lang saktong labas din ni Brent ng kanyang kwarto kaya naman hindi na naging awkward sa pagitan namin ni Kai. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko after that, pero pakiramdam ko uminit buong mukha ko at biglang tumalon iyong puso ko dahil sa sinabi niya.
Nandito ako ngayon sa kwarto at mas ginusto ko na rin muna na dito na lang kaysa makita si Kai, kasi feeling ko pag nakita ko siya, aatakihin ako sa puso habang nakatingin sa kanya. I was about to take some sleep when someone knocked on my door. I sighed, probably he's going to ask me why I didn't say anything earlier or what.
Or am I just overthinking?
Huminga muna akong malalim bago tumayo at buksan ang pinto sa kwarto ko. I was staring at the door when someone knocked again. Hay nako paano ba ito? I just sighed one more time at dahan-dahang pinihit ang door knob.
Nakita ko si Kai na nakatingin sa akin and he smiled at me shyly. I just smiled at him, too. Binuksan ko pa ang pintuan ng kwarto ko para sabihin na welcome siya.
"Sorry, I didn't mean to shock you or what," panimula niya hindi na lang ako umimik at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hindi naman ako galit, kaya ba't ba siya nag-sosorry, nagulat lang ako, yun lang naman iyon.
"You don't need to say sorry, Kai." I smiled at him. I tapped the other side of the bed so he could sit beside me. Okay lang naman siguro 'to hindi ba?
He smiled at me, at nakita kong dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. Tahimik lang at walang nag-iimikan nang buksan ko ang television dito sa kwarto. May kanya-kanya kasing television bawat kwarto rito sa condo nila ni Brent.
"Tuloy na natin ang movie marathon?" I asked him. He smiled at me and nodded. Natatawa ako sa itsura niya kasi hindi manlang siya naimik akala mo napagalitan nang nanay. I chuckled.
"Ba't ang layo mo sa akin?" I started, I said that while laughing at him. Napasimangot naman siya kaya bigla siyang umayos nang upo sa kama. Kinuha niya pa ang isang unan ko at niyakap.
Sana unan na lang ako.
Joke. I was just kidding, though. I think?
I just shook my head, erasing my thoughts. Sinabi ko na lang na siya na ang maghanap ng papanoorin namin, wala kasi ako sa wisyo baka kung ano na langang papili ko.
Habang namimili siya nang papanoorin namin ay natatawa ako dahil kunot na kunot ang noo niya. Parang hindi niya alam kung ano ba dapat ang piliin that's why I laughed and get the remote to him.
"Ano ba naman 'yan? Hindi mo ba alam kung anong gusto mo?" tanong ko sa kanya habang naghahanap ng pwedeng panoorin. He smiled at me.
"Alam ko kung ano gusto ko," he winked at me, I just rolled my eyes. Ayaw ko pang pagusapan ang bagay na iyon. I mean he didn't tell me that he likes me or what. He just told me that he thinks I'm his star, that's all. Ayaw ko rin naman mag-assume ako kung ano man ba ibig sabihin niya.
"Mag-horror na lang tayo," biglang sabi niya at inagaw ang remote sa mga kamay ko. Pinili niya ang horror category. Bigla naman akong kinabahan kaya medyo napaisod ako sa kanya, bigla naman siyang natawa sa ginawa ko kaya he looked at me while smirking. I just want to erase that smirk on his face. Nakakainis napakagwapo nitong lalaking 'to!
"Come here." napatingin naman ako bigla sa kanya dahil sa sinabi niya. Nagtataka ko siyang tinignan kaya ngumiti lang siya at bigla niyang hinablot ang kamay ko, hinila papalapit sa kanya. Nilagay niya ang pillow ko sa lap niya at he tapped the pillow na para bang doon ako pwumesto. I just stared at him.
"What?"
"Come, dito ka na umulo." Sabi niya sa akin at bigla siyang sumandal sa headboard ng kama. I just sighed in defeat. I don't know, but when he held my hand, something inside me warmth.
Pumayag na rin ako sa gusto niya kaya naman umulo na ako sa kanya at bigla na lang niyang hinaplos ang buhok ko habang plinay na niya ang horror movie na kanyang napili. Tahimik lang kaming nanonood nung simula pero nung mga twenty minutes na ang movie ay minsan-minsan akong nagugulat at naririnig ko naman siyang natatawa, kaya naman hinahampas ko ang binti niya. Gustong-gusto ko na talagang patayin iyong TV kasi naiinis na rin ako rito sa kasama ko. Tuwang-tuwa talaga pag naguugulat ako. Napakawalanghiya.
Pero ayaw ko rin naman umalis sa pwesto ko dahil sobrang komportable ako kung ano ang pwesto naming dalawa. Nakikiramdam lang ako sa kanya habang hinahaplos niya pa rin ang buhok ko. I sighed. I must admit that I like this guy, but not now. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit ganito kabilis. Ilang buwan palang naman ang nakalipas simula noong nakilala ko siya.
"What are you thinking?" narinig kong tanong niya sa akin. Tumingala ako para makita ko siya. I smiled at him and shook my head. I heard him sighed. "Sorry." natawa naman ako bigla nang marinig ko na naman siyang mag-sorry. Lakas tama talaga 'to, wala naman talaga dapata ika-sorry masyado niyang iniisip mga bagay-bagay.
"Ang kulit mo rin ano? Sabi wala naman dapat ika-sorry. I'm okay. We're good." Sabi ko sa kanya at naramdaman kong marahan na naman niyang hinahaplos-haplos ang buhok ko. Sobra talaga akong nagiging komportable sa ginagawa niya. Mas lalo ko lang siyang nagugustuhan sa ginagawa niya sa akin. Sino bang hindi? Napakamaalaga niyang tao kaso 'yun nga lang masyadong madaming nagkakagusto sa kanya, napangiwi naman ako dahil sa na isip ko.
"I really like the feeling when I'm with you, Christine." Napabangon naman ako dahil sa sinabi niya. He smiled at me and I can see his eyes staring at me adoringly.
He held my right hand, hinila niya ako papunta sa tabi niya at bigla na lang niyang sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi na ako nakaangal sa ginawa niya. I just tried to focus on watching the movie but I can't. Masyadong bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa pwesto naming dalawa.
Naramdaman ko na lang na kinuha niya ulit ang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko. I heard him sighing.
"Relax." I took a deep breath and looked at him. I smiled at ang alam ko lang ay narelax ako sa ginagawa na niya ngayon.
So, I really like this guy, huh?