Tin
“Kain na tayo,” napatingin naman ako kay Brent na nakatingin na pala sa’kin dahil nag-aaya na siyang kumain, siya muna ang nagluto ngayon gabi kasi sabi ko tinatamad akong kumilos. Nakapajama na nga ako ngayon kahit anong oras pa lang.
Nakahiga lang ako sa couch at tulala kanina pa, ewan ko ba feel ko pagod na pagod ako kahit wala pa naman akong ginagawa ngayong araw. I stood up and went to the kitchen.
“What did you cook?” tanong ko kay Brent habang nakatingin ako sa kanya, naghahain sa harapan ko. I chuckled while checking him out, para siyang tanga sa suot niya. He’s wearing a chef’s hat and just an apron.
“Tawagin mo na kaya si Kai, so we can eat lunch together,” sabi pa niya sa’kin at inirapan ako. Aba, this guy! I just rolled my eyes at him, too. ‘Di ako papatalo ‘no! Tumayo ako sa upuan ko at nag simula nang pumunta sa tapat ng kwarto ni Kai.
Oo, andito rin siya, siguro after 20 minutes nung makauwi kami ni Brent ay kasunod namin siya. Tawa siya nang tawa nung nalaman niyang walang pasok at makakpagpahinga rin siya kahit papaano. He’s exhausted from his paper works. He’s an engineering student, ano pa nga ba ang bago?
Huminga muna akong malalim bago kumatok sa pintuan niya, after 3 knocks on his door ay tsaka lang siya lumabas at tinignan niya muna ako, then he smiled at me. “Bakit?” tanong niya sa’kin habang nakangiti.
“Kain na raw.” I just kept my poker face while saying that, I didn’t smile or what. After kong sabihin ‘yon ay tinalikuran na siya dahil wala akong gana makipagusap kahit kanina parang tamad na tamad ako, kahit pagsasalita at pagkilos ko parang wala akong gana.
“Are you okay?” napalingon naman ako kay Kai habang titig na titig siya sa’kin. I nodded my head and headed back to the kitchen.
We just ate in silence, ‘di ko rin alam kung ba’t hindi maingay ‘tong dalawang kasama ko. Since wala naman akong ganang kumain, konti lang ang kinain ko at hindi na ako nag-abalang kumuha nang panibagong set ng pagkain.
Kahit tapos na akong kumain ay hindi pa rin ako tumatayo sa kinakaupuan ko, I need to wait these two boys to finish their meal. Iyon naman kasi ang dapat, hindi ba? Tahimik lang akong sumandal sa upuan ko at hinintay hanggang sa matapos ‘yong dalawa sa pagkain at hindi rin naman masyado nagsasalita.
“Tapos na kayo?” bigla kong tanong sa dalawa, kaya naman umangat ang tingin nila sa’kin. Brent just nodded at me while Kai was looking at me intently. I fixed the plates and headed to the dirty kitchen.
Habang inaayos ko ang mga pinggan para tanggalan ng mga tira-tirang pagkain ay bigla naman sulpot ni Kai sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin at hinayan na lang siya sa kung ano ang gagawin niya. I was washing the dishes when he spoke.
“You seem off,” he started. I looked at him.
“What?” I asked him, still washing the dishes. I tried to smile at him.
“You okay?”
“Yup,” I said as I continued washing the dishes. I think he murmured something, but I didn’t catch it. I just shrugged my shoulders off and continued cleaning the plates.
As you can see, hindi naman ‘to dahil sa nangyari or nakita ko kanina. Ewan ba, I think I need some air to breathe. Maybe, I just need some coffee to relax. Nang ilalagay ko na sana ang mga pinggan sa cabinet ng makita kong si Kai na papasok. I looked at him. He just smiled at me and handed me a cup of coffee.
Tinignan ko siya nang nagtatanong na tingin. Kaloka, bigla na lang akong bibigyan ng kape. He smiled.
“Itsura mo kasi parang namatayan kaya kita binigyan ng kape,” sabi niya kaya naman napanganga na lang ako habang nakatingin sa tasa ng kapeng inabot niya sa’kin. I heard him laugh.
I rolled my eyes at him and sipped my coffee.
“Nice, you smiled. That’s better.” After saying, that he walked away, at pagkalabas na pagkalabas naman niya ay siyang pagpasok ni brent sa dirty kitchen. He’s smirking at me, and I don’t like his smirk. Gusto kong sapakin ‘tong isang ‘to!
“Kape lang pala katapat mo eh,” sabi niya at tumawa habang may kinukuha sa mga cupboards dito. I rolled my eyes at him.
“Oh?” I looked at him as he handed me a biscuit. Tinignan ko lang siya kasi hindi ko alam kung ba’t niya ako inaabutan ng biscuit.
“Para kapartener nung kape, baka kasi patay na patay na ‘yung puso mo sa pinsan ko.” He laughed at me and handed me the biscuit again. Napatanga ako sa sinabi niya at ‘di ko na namalayang nakaalis na pala siya sa dirty kitchen pero rinig ko pa rin ang tawa niya sa living room.
“Shut up! Gago ka!” I looked at the mirror as I calmed myself, and I was blushing the whole time!
Fuck, this ain’t good.
Breathe in, breathe out.
Okay, it's just a friendly gesture. I said it to myself. Pumasok ako sa banyo dito sa kitchen para maghilamos kasi hanggang ngayon pulang-pula pa rin ang mukha ko. I felt hot earlier. I mean, I felt my cheeks are burning up, pagkatapos kong maghilamos at tinignan ko muna ang sarili sa salamin.
I checked my face, and I saw I have my pale color again. I bit my lower lip, ano ba naman napasok sa isip ko? Walang hiya kasi 'yang si Brent. I want to scream so bad and punch him in his face until he begs me to stop.
De joke lang, I could do that, but I wouldn't, baka kasi awayin pa ako nang mga babae ni Brent pag nagkataon.
"Hoy, 'yung kape mo baka lumamig na rito!" I gritted my teeth as I opened the door of the comfort room. Kitang-kita ko naman siyang nakangiti sa'kin, pero the way he smiles at me. Ugh. Nakakainis, mang-aasar na naman 'to!
"Shut the f**k up, Brent Sage!"