Written in the stars 4

1408 Words
Tin The weekend passed and truth to be told, me and Kai did have our dinner together the following nights. And, I have a big problem, tumawag sa’kin ang gumagawa ng unit ko at sinabihan ako na hindi pa raw nila matatapos agad ang mga dapat tapusin doon. Kaya eto, magtatagal pa rin ako sa unit nila Brent.  “Inom tayo!” Napatingin naman ako bigla sa gawi ni Brent, napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kakauwi palang niya pero heto na naman siya at nag-aayang mag-inom! This guy! Ugh I rolled my eyes. “Wala ka bang alam kundi uminom na lang?”  Nag salubong ang kanyang kilay. Napatawa siya at umiling-iling pa habang papalapit sa’kin. He smirked at me. “Akala mo naman hindi siya malakas uminom.” Nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya at napatingin kay Kai na nakatingin na pala sa amin ngayon. At nakita ko naman siyang napapatawa sa pag-aaway namin ni Brent. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.  He chuckled. “What?” natatawa pa rin siya habang nakatingin sa’kin. Kaya naman sinamaan ko siya lalo ng tingin. “Why are you laughing? What’s funny?”   Tumawa naman siya ulit at umiling. “Let’s drink, ‘wag kang KJ dyan, Tin,” sabi niya at nagtawanan silang magpinsan. Ugh, these boys! Hindi na rin naman nakatanggi si Tin sa dalawa kaya naman ngayon ay nagsisimula na silang mag-ayos ng pag-iinuman nilang tatlo. They decided to drink at the terrace, mas nakaka relax at chill lang pag-iinom.  Habang nag-aayos ang dalawang binata ay siya naman ay nag-aayos para sa mga pagkain at iinumin nila. She decided to cook sisig and fries for pulutan. Alam naman niyang ganito ang mga gusto ng mga kasama niya.  “This girl, beside you, Kai, always do boy’s stuff since we were kids. Ang mga nilalaro puro panlalaki!” sabi ni Brent habang tumatawa dahil sa mga kwinekwento tungkol kay Tin simula noong bata sila. Hindi naman  niya maitatanggi na ganon nga siya. Ayaw niya ng mga pang larong pang babae noon, gusto niya lang eh, makipag laro ng mga tumbang-preso, tsitsu, teks at holen sa mga batang lalaki noon.  Ang mga magulang naman niya ay pinpabayaan lang siya sa mga ginagawa noong bata palang siya, masasabi niyang ‘di mahigpit ang magulang habang bata siya. Okay lang sa mga magulang niya makipag laro sa mga kababatang lalaki habang siya ay nag-iisang babae lamang. Sanay rin siya sa mga pinsan niyang lalaki.  “Ang saya-saya ka non!” sabi niya habang inikutan ng mata si Brent. Napatingin naman siya kay Kai na maimtim na nakikinig sa mga kwento nila. “How come I didn’t know you when we were kids? I used to go to Brent’s every weekend,” takang tanong ni Kai sa kanya habang ngumingiti pero may halong pagtataka sa mga mata nito. Nagulat naman na napatingin sa kanya si Tin. “Really?”  Kai just nodded at Tin and smiled at her. Sa kabilang banda naman ay napapangiti si Brent habang tinitignan niya ang dalawa habang nag-uusap, para sa kanya masaya siya na nakakapagbonding ang dalawa. Gusto niya magkatuluyan ang dalawa dahil alam niyang maswerte ang dalawa sa isa’t isa kung sakaling magkatuluyan nga ang mga ito. “Yes,” sagot naman ni Kai sa kanya at ikinatawa na hindi man lang sila nagkikita noon, eh, nagpupupunta naman siya kina Brent lagi. “Nagkakataon na wala si Tin or hindi siya napunta sa bahay siguro baka rin mas okay na ngayon kayo nagkatagpo,” biglang sabi ni Brent sa dalawa at they even heard him smirked. “Destiny, my dear cousin and best friend,” dagdag pa ni Brent habang tinitignan ang dalawa. Ramdam na ramdam ni Tin ang pamumula ng mukha niya sa sinabi ni Brent. Ayaw niyang magpaapekto ngunit hindi niya maintindihan ang sarili pero medyo na iilang siya habang naiisip ‘yon. Si Kai naman ay nathimik at napapailing na lang habang nakangiti. He just tilting his head while looking at Tin and Brent. Napapainom na lang siya sa beer niya pero alam niya sa sarili niya na may nararamdaman siyang kakaiba sa mga sinabi ng pinsan. “Una na ako,” bigla naman tayo ni Brent at biglaan ang pagpapaalam niya sa mga ito. Gusto niyang makapag usap ang dalawa na hindi siya kasama. Gustong-gusto niya ang pagiging tulay niya sa dalawa. Nang umalis si Brent ay napatahimk na lang ako habang umiinom ng beer at nakita ko naman si Kai ay napapangit habang umiinom. I heard him chuckled! This boy, really! I rolled my eyes at him and he laughed at me. “Inaano kita?” sabi niya habang tawang-tawa na nakatingin sa’kin. “Why the hell are you laughing?” tanong ko sa kanya habang binato siya ng fries sa mukha. Tumawa lang ang gago sa’kin!  “Don’t you find it funny? We didn’t meet each other when we were kids. Parang gusto ko na tuloy maniwala kay Brent,” kunwari pa siyang nag-isip pagkatapos iyon sabihin. He’s not helping! Mas pinapa awkward niya pa ang pakiramdam ko, kaya naman binato ko ulit siya sa mukha ng fries na naiwasan naman niya ‘yon kaya siya tawa nang tawa. “You’re making the situation awkward!” I hissed at him. Parang nagulat naman siya sinabi ko at bigla-bigla na lang siya tumawa pero sa ‘di kalaunan ay umusog siya papalapit sa’kin. “Is this making you awkward? Hmm?” bigla naman niyang tanong kaya naman nanigas ako sa kinakaupuan ko habang nakatingin sa kanya. Kai’s staring at me while smiling. Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Nang makaahon ako sa pagkagulat at sinapok ko siya kaya naman tumawa siya at uminom ng beer.  “Don’t do that again!” sigaw ko sa kanya at inikutan siya ng mata. Tumawa-tawa lang siya habang umiinom ng beer niya, sumubo rin ng sisig at tumingin sa’kin. “Why?” he chuckled, then sipped on his beer. “Wala! Para kang ewan dyan! You’ll give me a heart attack!” I said, then checked my phone. Bigla naman tumahimik ang paligid at nagtaka naman ako roon. Hindi kasi siya sumagot after kung sagutin siya ng ganon kaya naman pagtingin ko sa kanya, napansin kong namumula na ang tenga niya at kagat-kagat ang labi na tila ba pinipigilan niyang tumawa kaya naman sinamaan ko na naman siya ng tingin at hindi niya na napigilan ang pagtawa niya. “Oh god! And, you’ll be the death of me, Christine…” sabi niya habang tumatawa pa rin halos hindi na nga siya makahinga at kitang-kita ko na rin na sobra na ang pamumula ng tenga niya. “You can choke, Kai Apollo,” I rolled my eyes at him and took a handful of fries then threw it to him. ‘Hoy, grabe ka na! Nag-aaksaya ka na ng pagkain, Christine, ha!” suway niya sa’kin pero tawa pa rin siya nang tawa. What the heck? Why is he laughing so bad? Ako lang ba talaga ang na awkwardan sa mga pinagsasabi ni Brent about sa aming dalawa ni Kai? Oh god, this is so wrong! “Shut up! Arse!” sigaw ko sa kanya at halos gusto ko na siyang batuhin ng mga lata ng alak na nasa lamesa sa sobrang hiyang-hiya ako, ramdam na ramdam ko na rin na pulang-pula na ang mukha ko.  He sipped on his beer and showed me his one million dollar smile. “Don’t be awkward,” he chuckled. “I’m really thankful that I met you,” he continued. “Destiny, thank God, I’ve found you,” he smiled at me, then looked at the view. “Look at the stars, they’re so beautiful right now,” he paused and looked at me. “Don’t laugh but you know what? Nagdasal ako sa mga bituin na sana balang araw makatagpo ako nang isang tao na kasing ganda ng mga bituin,” He smiled and stared at the stars once again.                                                                         “I hope she’s on her way.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD