Samantala, umakyat na si David kagaya ng pag uutos ng kanyang ina. Gusto niya lang din na mapag isa sa kanyang balcony. Masakit para sa binata na makitang nag aaway ang kanyang mga magulang lalong lalo na sa pera. Tapos, aminado rin siya sa kanyang sarili na sa loob lamang ng maikling panahon, hindi na si Andrea ang nilalaman ng kanyang puso kung di si Claudia na wala naman kahit na katiting na pagmamahal sa kanya. Na pinag seselosan niya si Dante dahil sa iba ang pagtrato ni Claudia rito at siya rin ang dahilan kung bakit siya nabuking ni Claudia na mayroon itong ginagawang masama. Kaya sukdulan na lamang ang nararamdaman niyang galit rito. Pero ang mas masakit pa sa kanya ay yung ipinatalo niyang isa't kalahating milyong piso sa casino. Halos mapatulala na lamang ito at nangako sa ka

