"Oh do you see that? Even you are laughing! Sayang talaga kasi maganda siyang babae, kaya ikaw wag mo na siyang pagseselosan ha? Kasi iba ang taste niya sa lalaki. Yung gusto niya ay mahirap na isang hardinero na walang ibang ginawa sa buhay kung di ang mag dala ng kamalasan dito sa mansyon namin. Kung ako nga lang ang masusunod, sana hindi na niya isauli rito ang bobong lalaking iyan eh." Dito ay nawala na ang halakhak ni Andrea dahil sa hindi na niya nagustuhan ang sinabi ni Emilia kay Dante dahil kahit papaano ay malapit din ang kanyang loob sa binata. Lalo na noong makita niya itong bugbog sarado sa kwadra ng mga kabayo. "Pasensya na po kay tita ha? Pero kasi honestly speaking, malapit din naman po ang loob ko kay Dante. Actually, he is a very nice guy and I made a huge mistake of ac

