12:01 am naman ng dumating si Dante sa loob ng mansyon. Nang magtinginan lahat ng mga tauhan nila sa loob sa kanya, mabilis nila itong hinatak papasok sa loob. Napatayo si Emilia at dahan dahan itong lumapit sa binata na may masamang titig. "Saan ka galing, Dante? Anong karapatan mong umalis dito sa loob ng mansyon ko ng walang paalam?" sermon niya pa. "Ahhh... may pinuntahan lang po ako saglit sa labas... uminom ng alak mag isa," pagsisinungaling ng binata. "Really?" lumapit pa si Emilia at naamoy niya ang alak sa katawan ng binata. "Sorry po Madam, mali na hindi ako nagpaalam sa inyo kaya lang wala po kayo sa loob." "And that is beside the fact na hindi ka rin naman namin papayagan just in case! Pero anyway, you have to prepare yourself! Hindi kita patatakasin dito sa bahay at m

