By Michael Juha
getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
------------------------------------
Binasa ko, "NEGATIVE" ang nakasulat.
"Ano iyan? HIV Test?"
"Tange. Resulta iyan ng DNA test. Nagpa DNA test ako dahil sa pagkalungkot ko sa ibinunyag ng mommy. At noong lumabas ang resulta, naalala niyang may ibang boyfriend pala siya noong nagkaroon siya ng fling sa ama ni kuya Mateo. Kaya hindi tayo magkapatid!"
Natameme ako sa aking narinig. Syempre, nagulat. Para bang ang aking utak na ang mga laman na data ay naka-set na sa katotohanang magkapatid kami at magsama bilang magkapatid, at ang pakikitungo ko sa kanya ay bilang isang kuya ay biglang nagself-reformat, nag-adjust sa bagong data at kasalukuyang nagpa-process.
"Ano bakit hindi ka makasagot?"
"Hindi ba fabricated iyan? Hindi ba gawa-gawa mo lang iyan?"
"Tangna. Hayan o... may seal pa, nariyan ang address at laboratory na nagconduct niya. Paano mapepeke iyan? Gusto mo puntahan mo pa ang lab na yan eh! Ano, papayag ka ba na magpakasal sa akin kapag nakatapos na tayo ng pag-aaral o hindi?"
"Eh..." syempre, dahil sa aking pagkabigla sa mga pangyayari, hindi ako kaagad nakasagot.
"Ang tagal ng sagot eh!" sambit ni Miguel.
At dahil nagsi-self-reformat pa nga ang aking utak sa mga bagong kaganapan, naalimpungatan ko na lang ang mga labi niya na lumapat sa aking mga labi. "Uhmmmmmmpppphhh" ang nasambit ko gawa nang hindi ako makapalag dahil habang hinahalikan niya ako, mahigpit naman ang pagyakap niya sa akin.
Kaya sinuklian ko na lang ang kanyang mga halik... sa harap ng nitso ni kuya Mateo.
Pagkatapos niya akong halikan, ipinakita niya sa akin ang kanyang kamay na nakasara. "may sorpresa ako sa iyo," ang sambit niya.
"Ano iyan?"
Binuksan niya ang kanyang kamay at laking gulat ko nang makita kong ano ang kanyang itinatago. "Ang singsing! Paano naibalik sa iyo yan?" ang tuwang-tuwa kong sigaw.
"Binigay sa akin ng Ninang mo. Ibinigay daw kasi sa kanya ng doktor noong dinala ka na sa Amerika?"
"Waaah!" ang nasambit ko.
"Ano, tatanggapin mo ba?"
"Bakit? Collateral na naman?"
"Di ba, sinabi ko na sa iyo ang kuwento niyan. Ibinibigay iyan sa anak na lalaki ng pamilya upang ibibigay naman ito nito sa taong napupusuan niya"
"Na babae," dugtong ko.
"Basagin natin ang tradisyon. Lalaki naman ngayon."
Sobrang hindi ako makapaniwala sa akig narinig. Hindi ako makaimik. Nanatiling nakatitig na lang ako sa kanya.
"O ano? tatanggapin mo ba?" ang tanong niya uli.
Wala na akong nagawa pa. Mahal ko naman kasi talaga si Miguel. Kaya ay tinanggap ko ito nang buong puso.
Noong bumalik naman kami sa aming service van upang umuwi na, laking gulat ko naman noong sa pagpasok ko sa sasakyang at nakaupong katabi ko na si Miguel, may biglang nagsalita sa aming likuran. "Musta mga tol..."
Nilingon ko ang pinanggalingan ng nagsalita. Nangnakita ko kung sino siya, tila simbilis ng kidlat na lumayas sa aking katawan ang aking kaluluwa. Napatakbo ako palabas ng sasakyan at iniwan si Miguel sa loob. "Yaikksss! Ano iyon!!!" ang sigaw ko.
Tawa lang nang tawa si Miguel.
"Bakit ka tumawa? Hindi mo ba nakita kung sino iyong nagsalita?!" ang sigaw kong nanginginig pa ang boses sa sobrang takot.
"Halika nga sa loob!" ang sambit naman ni Miguel.
"N-natatakot ako... Natatakot akoooo!!!"
"Huwag ka ngang matakot. Halika. Nandito naman ako. May ipapakilala ako sa iyo."
Lumapit ako sa pintuan, sumilip sa loob. "Sino ba yan? Bakit kamukha ni kuya Mateo?"
"Si insan Matt nga iyan!" sagot naman ni Miguel.
"Matatakot ka pala sa akin kapag multo na ako no? Waaahhhh! Guwapo ng utol ko! Mas pogi pa ata kaysa akin eh!!!"
"Kuya Mateo???" ang sigaw ko uli.
"Shhhh! Huwag kang maingay. Halika sa loob!"
At doon na ako pumasok. "Bakit? Ano ba ang nangyari? Akala ko ba patay ka na? Sino ba iyong inilibing?"
"Props lang iyon. Isang mannequin. Pinalabas lang namin na talagang patay na ako noong iniwan ng mga fraternity members na nakahandusay sa kalsada. Ginawa akong secret agent ng NBI upang hulihin ang mga myembro ng fraternity na isa rin palang sindikato ng mga droga at human trafficking. At para hindi na ako maresbakan, ipinalabas nila na patay na ako. Di bale, sasama naman ako sa inyo pagbalik ng Amerika. Di ba doon na tayo magpatuloy sa ating pag-aaral?"
"Kuya naman eh..." at niyakap ko siya habang umiyak na naman ako nang umiyak.
"Di ba... ipapakita ko pa sa iyo ang magagandang lugar sa Amerika? Ipatikim ko pa sa iyo ang masasarap na pagkaing Amerikano? At higit sa lahat, tuturuan pa kitang lumangoy at mag-ice skating?"
Ngumiti na lang ako. Isinara ng driver ang pinto ng van at umarangkada na. At habang yakap-yakap ako ng aking kuya Mateo, hinahawakan naman ni Miguel ang aking kamay.
Ngayon ay nasa Amerika na kami ni kuya Mateo, sa iisang bahay sa iisang mga magulang. At base sa kanyang pangako, ipinapasyal niya ako sa mga sikat na lugar sa Amerika, ipinatikim niya sa akin ang masasarap na pagkaing hindi ko pa natikman. At tinuruan din niya akong mag lumangoy at ice-skating. Kadalasan, sumasama sa amin si Miguel na hindi nagbabago ang pagiging sweet sa akin.
Dahil sa nangyari sa akin at sa nalamang magpinsan pala sina kuya Mateo at Miguel, naging magkalapit na rin ang mga pamilya namin. At alam nila ang aming pagmamahalan ni Miguel na wala namang tutol sa aming balak na pagpapakasal kapag natapos na kami sa aming pag-aaral.
Hindi ko alam kung may kinalaman ang sumpa na sinasabi sa takbo ng aking buhay. Hindi ko alam kung totoo nga ito. Ngunit base sa aking karanasan, kapag sa buhay ay matatag ang iyong pananalig, pag-asa, at gawin ang lahat nang makakaya upang malampasan ang lahat ng mga pagsubok at dagok, walang kahit gaano katinding sumpa ang makahahadlang sa pagkamit mo sa katuparan ng iyong mga pangarap.
Wakas.