Chapter 16

2784 Words
Family Maaga akong nagising dahil narinig kong nagti tilian ang mga team mates ko sa baba. Kaya agad kong tiningnan ang oras sa phone ko. Seriously? 7:30 AM gising silang lahat? Tiningnan ko din kung may message ako mula kay Jeron pero wala. Come to think of it, this is our first day as a couple. Pero may naalala ako. Yung anklet. Nasa akin pa din pala yung anklet. Hindi ko pa nasusuot. "Daks, gising na. You're missing the moment." Naramdaman ko kasing pumasok ng kwarto si Ara kaya nagtulog tulugan ako. "Yaan mo na, wafs. Ganyan talaga. Mahirap gisingin ang mga nagtu tulog tulugan." Nandito din pala si Kim "Sige na. Tara na sa baba. It's hard to keep the archer waiting." Nang marinig ko iyon, agad akong napa balikwas at tumakbo patungo sa CR para mag ayos at mag suklay. Matapos ang five minutes, lumabas ako nang banyo at naabutang naka cross arms yung tatlo. "Oh. Ano pang ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila at nag taas ng isang kilay. "Eh ikaw. Ano yung ginawa mo?" Kunot noo akong tumingin kay Carol. "Huh?" "Wala. Halika na. Kanina pa yun sa baba." Nag nod ako at nauna nang bumaba sa kanila. Naka ngiti akong bumaba at naabutan ang mga spikers na naka bilog dun sa may dining. Akala mo may meeting or what. "Good morning!" Masayang bati ko sa kanila pero hindi manlang ako nilingon. I just hissed at pumunta na sa may ref para uminom ng tubig. Siyempre, hindi pwedeng pabebe lagi sa harap ni Jeron no. "Oh Ye. Gising ka na pala." Sabi ni Ate Moks at nginitian ako. "Oo nga. Sabi kasi nina Ara may bisita daw tayo." I smiled. Then napa lingon lahat ng spikers. My jaw literally dropped when I saw him sitting at the center while the spikers are standing around him with their arms crossed. "Good morning, Ate Mika!" Bati sa akin ni Andrei at nag wave. Nalilito akong tumingin kina Ara na kaka baba lang at ngayon ay naka kibit balikat "Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko kay Drei. "Ah. Hehe. Kasi diba sabi niyo ni Kuya Jeron, kailangan kong i formalize yung panliligaw ko kay Tin? Kaya eto. Nag paalam ako sa ibang members ng team." Naka ngiti niyang sagot sa akin. "Teka. Kuya Jeron?" May crossed her arms as she faced Drei. Tsk. Ang authoritative. "Oo. Magkasama kasi sila ni Kuya Jeron nung nahuli kaming dalawa ni Tin." Drei stopped for a while then laughed. "Natawa nga kasi ako kasi mukha silang mga agents or spies kasi naka leather jacket si Kuya Jeron tas may helmet at gloves pa. San ba kayo pupunta nun Ate Ye?" Lahat ng mata ng spikers ay napa tingin sa akin. Para tuloy ako yung naha hot seat ngayon. "Oo nga. Tsaka bat parang hindi namin 'to alam?" Si Kim na naka cross arms pa. "S-sa Tagaytay." Then I sighed, crossed my arms then looked at Drei straight in the eyes. "Teka. Diba oras no 'to para ma hot seat? Are you diverting our attention?" At nag taas ako ng kilay. "S-sabi ko nga." Sagot niya at yumuko. "So, as I was saying, hindi pwedeng si Tin lang ang liligawan mo. Sa aming seniors, okay ka na. Hmm, rookies, since mahal na mahal niyo si Tin, ano ang hatol niyo?" Sabay sabay na nag katinginan yung mga rookies at nag grin. "Alam mo Drei, okay lang naman sa amin eh." Napa sigh at napa ngiti siya dahil dun. "Pero." Dagdag ni Ipac oo. Ipac talaga ang tawag namin sa kaniya.  "Kailangan namin ng foods para mabuhay. Siyempre, hindi mo naman babayaang magutom yung mahal mo diba?" Dahan dahang nag nod si Andrei at ngumiti. "Good. Sagot mo dinner namin every after training. Hanggang sagutin ka ni Tin." Ngumiti si May at napa nganga naman si Andrei Natawa nalang din kami ng bullies dahil mukhang may susunod sa yapak namin.  "O-okay." Then ngumiti si Andrei. Justine patted him on the shoulders saying, "Kaya ba?" Then she laughed. "Ganun naman diba, friend kapag mahal mo? Handa kang gawin ang lahat." He said that while not getting his eyes off Tin. "Naks. Osige na. Alam naman namin na gusto niyong i enjoy ang isa't isa lalo na't may 2 weeks vacation tayo. So, gora na. Tsupe." Tinulak ni Kim sina Tin at Drei at saktong muntik nang matumba si Tin pero nasalo siya ni Andrei. Hay. Ang mainstream. Masyado nang cliché pero bat ako kinikilig? I'm pretty sure that they will follow Thomas and Ara's step. Pero sana hindi ganun kabagal. Well, kung sabagay, may ligawan na ngang nagaganap. Anyway, umalis na yung dalawa for their date at nagkanya kanya naman kami ngayon sa dorm. Yung iba, umalis na din at umuwi na sa mga bahay nila. So bale, kaming bullies plus KKD and Majoy nalang ang nandito. Yung iba, umalis na din. "San kayo this christmas Ye? Mag out of the country kayo?" Tanong ni Carol "Hindi. Sa Bulacan lang. Si Kianna ang tanungin mo yan ang tunay na rich kid eh." Then I laughed. "San kayo?" "Ewan. Pero hahatid ako ni Marck eh." Then she shrugged. Matapos nun nang marinig namin ang busina mula sa sasakyan ni Marck. Ngumiti siya at nag paalam na sa amin bago lumabas. Si Majoy ay sumabay na din sa kanila. Kaya kaming wafs na lang ang natira dito dahil si Carol ay nasundo na din ni Forts "Uuwi kami ng Pampanga ni Thomas." Sabi ni Ara at nag sigh "Wafs, pagod na akong mag tago. Kailan ba pwedeng i public to? Wala namang magagalit, diba?" She said. "Eh pano yung mga fans ng BaRa? Pano kung mag isip sila na nag break nga kayo ni Bang pero pinalitan mo agad. O kaya nag cheat ka kay Bang. Oh, edi mas lalong nagulo ang buhay niyo ni Thomas?" Mukha namang napa isip siya dahil sa sinabi ko. Tas natahimik nanaman kami. Pero bumusina na yung sasakyan ni Thomas kaya nag paalam na sa amin si Ara. "Kayo na ba ni Jeron?" Biglang tanong ni Kim sa akin. "Bat mo alam?" She smirked. "May kakilala ako na nasa ball last night. Nai kwento ka lang. So ano, confirmed na nga?" I smiled then nodded. Grabe. Hanggang ngayon, hindi pa din nagsi sink in sa akin na kami na ni Jeron. "Kimmy, alam mo, yung feeling na, finally! After years of struggling, after all the hopia chronicles, kami pa din pala." I said with a dreamy voice. Nag seryoso naman bigla si Kim. "Sure ka na?" "Huh?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. "Yan din ang sinabi mo nung naging kayo ni Kiefer." Tas napa tingin siya sa akin. Ako naman ay napa tahimik nalang . Oo nga. Last year, nung naging kami ni Kiefer, at nung sabihin ko yun sa mga ka team ko, yun din yung sinabi ko. Hindi man saktong sakto yung words na ginamit ko, pero yun din yung point. 'Yung dating pang w*****d at twitter lang, pwede rin pala sa reality? Grabe ang saya ko. Finally!' Yan yung mga salitang binitawan ko nang maging kami ni Kiefer. Aaminin ko, oo talaga namang minahal ko si Kiefer. Isa siya sa mga crush ko sa UAAP since I started. At tuwang tuwa ako nung naging kami. Akala ko nga kami na forever eh. Pero wala pala kasi talagang forever no? Kaya nag break kami ni Kiefer. Or dahil, hindi kami ang para sa isa't isa. "Iba si Jeron, wafs." Seryosong sagot ko naman kay Kim. "Alam ko. Alam ko simula palang kung sino talaga si Jeron sa buhay mo. Pero Ye, gusto kong ipaalala sa'yo na hindi natin hawak ang tadhana. Pano kung sa umpisa lang pala yung kilig? Pano kung mag sawa kayo sa isa't isa? Pano kung hindi pa rin pala talaga si Jeron?" She sighed. Ako naman ay napaisip din sa sinabi niya. "Hindi sa hindi ako pabor sa inyo ni Jeron. Ang point ko lang is, Ye, mag tira ka ng pagma mahal sa sarili mo ah. Hindi yung puro para kay Jeron lang. Malay natin diba, hindi pa din pala siya ang itinakda para sa'yo. Ayaw lang namin na makita kang nasasaktan ulit dahil sa lintek na pagma mahal na yan." Ngumiti ako sa sinabi ni Kim. Napaka caring talaga nito. "Ayt. I'll keep than in mind. Thanks, Kimmy." Ngumiti ako at niyakap na din siya. "Ikaw din. Find your happiness. Kung mahal ka nun, babalikan ka. Pero kung hindi, chase what you have to chase." I smiled as she nodded. Hay. Sayang na sayang talaga sina Mela at Kim. Ako din yung nasaktan para kay Kim eh. Biruin mo yun, iwan ba naman sa ere si Kim? Kesyo ayaw niya na daw, mas gusto niya na daw sa lalaki, gusto niya daw kasing magka anak, gusto niyang magka pamilya. Eh gaga pala siya eh. Pinasok niya tong whole thing na to with Kim tas uurong siya? Duwag. Maya maya pa nang marinig naming may kumatok na sa dorm. Agad akong pumunta sa pinto para tinginan kung sino ito. "Good morning." Ang naka ngiting bati ni Jeron sa akin at nag beso pa. "Hi Kim!" Nag wave din siya kay Kim. "Good morning din, King." She greeted back. "Uy, Congrats pala ah! Kayo ah." Then Kim laughed. Naguguluhan namang napa tingin sa akin si Jeron sa akin as if asking me about what Kim just said. "A-alam niya?" Bulong sa akin ni Jeron na agad nag patawa kay Kim. "May kakilala ako na nandun din sa ball kaya pina bantayan ko kayong dalawa. I even have pictures of you two kissing." Then Kim laughed, sinamaan ko tuloy ng tingin. "Pina bantayan mo kami? Are you a stalker or what?" I raised my eyebrows at her when I said that. "More like, a paparazzi." She grinned. "Sige. Subukan mo akong awayin. You have no idea of what I'm capable of." Nag evil laugh si Kim at kami naman ni Jeron ay naki tawa nalang. "Sira. Basta Kim ah, you know naman na as much as possible, we want to make it privste nalang." Jeron explained then Kim nodded her hair. "I Know. And I also know what to do. Wag kayong mag alala. Safe kayo sa akin." Kim patted Jeron on the shoulders then smiled. "Alagaan mo to, ah. Kundi, iuuntog kita sa muscles ko." Then we all laughed. "We're going. Sabay ka?" Umiling si Kim. "Iuuwi ko yung hillux sa Batanggas kaya I'll go by myself. Sige. Una na ko ah." Nag paalam na siya sa amin at nauna na. I locked the door and made sure na patay na lahat ng switch bago sumakay sa sasakyan ni Jeron. Oh btw, nasa Driver's seat ako dahil nag pumilit ako na ako na muna ang magda drive. May dadaanan pa kasi kami ni Jeron bago pumunta sa Bulacan. Anyway, the whole time na nasa byahe kami ay tanong lang siya ng tanong kung saan kami pupunta. Pero hindi ko siya sinasagot. Instead, I continued driving. Maya maya pa nang marating namin ang La Mesa Echo Park. I parked the car, got out of it, then alarmed it. Grabe. Parang akin yung sasakyan.  "What are we doing here?" Kunot noong tanong niya. "Why? Don't you like the ambiance?" I asked. "No. Hindi naman, but my point is, ayokong mapagod ka so what ar--" I cut him off by planting a smack on his lips. "Just shut up, okay?" Then I smirked, grabbed his hands, and started walking. Pumunta kami sa may damuhan at umupo doon. Sandali kaming napa tahimik pero agad iyong nabawi nang isalpak ko sa tenga niya ang earphones ko. Sa hindi inaaasahang Pagtatagpo ng mga mundo ? Napa tingin siya sa akin when the song started playing. I just smiled then started talking when we came to the middle part of the song. "Theme song ito nila Elijah at Klare." I started then smiled. "We both promised to make them our inspirations for our own love story.  you even proposed in Dahilayan. And you said that just like them, you want this whole thing to end up well. You want us to fight for our love no matter what just like what Klare and Elijah did. And you gave this to me." Nilabas ko mula sa bulsa ko yung anklet na binigay niya sa akin when he proposed. I handed it to him and gave the signal. "Thank you. Thank you for the second chance, Miks." Sabi niya at hinalikan ang kamay ko. I smiled then nodded. He kneeled his knees and held my right foot to put the anklet on for me. Then he faced me and smiled again. "Miks, I just want you to know na kahit anong sabihin ng iba dahil binigyan kita ng anklet, just don't mind it. I want you to always remember that I'll respect your decisions no matter what, okay?" He cupped my face then smiled. I still remember that part in the book when Elijah gave an anklet to Klare for a gift. Tinukso siya noon ng kapatid niya dahil kapag daw binigyan ka ng lalaki ng isang anklet, it means that he wants you. Hindi niya man sabihin o iparamdam, basta bigyan ka ng anklet, yun na yun. O diba? Hindi ko lubos maisip na may meanings na din pala ang jewelries ngayon. "I know that you can wait." I smiled as his lips were pressed into mine. It was a long, passionate kiss with fresh scenery in our background. I just so love this guy. 12PM na nang maka rating kami sa bahay namin sa Bulacan. Jeron went to my side to open the car door for me. Napansin ko naman ang isang fortuner na naka parada sa may labas ng gate namin. Huh? May bisita kami? Nakapasok na kami sa bahay nang wala manlang nakaka rinig dahil mukhang busy silang lahat. Naaninag kong aligaga si Mama sa dining kaya agad akong pumunta dun para ma witness ang mga pangyayari. At automatic naman na nalaglag ang panga ko nang lumingon silang lahat sa akin ng naka ngiti. Inikot ko ang paningin ko sa mga taong nasa table. Si Papa na nasa center, Si Mama na nasa tabi ni Papa, si Kuya, Si Dichi Almira na nasa tabi ni Kuya, si Achi Alyssa na nasa kabilang side ni Dichi Almira, sina Ahia at Achi Wensh na mag katabi, pati na ang mga kapatid ko at sina Tito Alvin at Tita Susan. Lahat sila ay naka ngiti sa amin ni Jeron at ngayon ay naka tingin sa mga kamay namin ni Jeron na naka intertwined. Agad namin itong tinanggal ni Jeron. "Oh, bat mo tinaggal, Potch?" Ang sabi sa amin ni Papa. Then he smiled. "It's okay. Alam na namin, Potch. And we are so so happy for you two." Muli nanamang nalalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Mama. A-alam na nila? Pano? "Sinabi ko sa kanila." Naka ngiting sabi ni Jeron. "Okay then! Let's eat. Bawal magutom ang misis ko." Kuya Jeric said then grinned. Ay. Oo nga pala. Achi Wensh is 5 weeks pregnant. Yes, finally! Kuya Perry blessed our table and we started eating. All the time, the topic is either about me and Jeron, Kuya Perry and Achi Almira na nagpapasaring na ng kasal, panunukso nila kay Ahia Jeric na dapat lalaki ang first born, pati kay Achi Alyssa na tinutukso about her boyfriend, Eugh. Matapos kumain ay nagyaya naman si Papa na mag golf. Yun tuloy, umalis sila ni Tito Alvin kasama sina Mama para magpunta sa golf course malapit dito sa subdivision namin. So bale, si Kuya Perry, Achi Almira and Alyssa at kami ni Jeron ang naiwan dito. Nandito din pala yung kids. Kasalukuyan kaming nasa pool side ni Jeron at nilalaro ang mga daliri naming naka intertwined habang naka babad sa pool ang mga paa namin. "We're going to sleep here." He said. "Really? Yayain mo naman sina Achi na mag night swimming tayo tonight." "Will do." Muli niya nanamang nilaro ang mga daliri ko. Na ikinainis ko naman. "Tigilan mo nga yang daliri ko!" Inis na sabi ko. "Ayaw." Then I faced him. "Tina try kong sukatin. Gusto ko kasi na sakto lang sayo yung engagement ring na ibibigay ko." Then he grinned. "Sira." We were again quiet. "Queen?" "Yes, King?" Humarap ako sa kaniya at ngumiti. "I hate You." Then I smiled. "I hate you too." He cupped my face, went near me for a kiss, one more inch left and we're done but then, Tinulak kami ng magagaling naming ate at kuya sa pool. And they all laughed. "Tama na ang landi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD