Gym Buddies
Matapos ang saglit na usapan, nag decide kami nila Ara na bumalik na sa dorm. May afternoon training pa kasi kami. You know, kailangan na maging maganda ang kalalagyan ng Lasalle this season. Last year na din kasi namin eh.
Dumiretso ako sa banyo at muling naligo. Napaka daming alikabok ang nasagap ko kanina. I want to freshen up. Tapos, pumili na din ako ng susuuting shirt. Yung 'One Big Faith' shirt nalang na galing kay Ate Wensh at jersey shorts.
Agad akong bumaba to see Ara na nag iintay na sa lounge. Naka pang training na din siya.
"Daks, nag text na si Kim. Tayo nalang daw ang wala. Bilis bilisan dahil wala sa mood si Coach." Nag nod ako at binitbit ang training bag ko. Tss. Lagi namang wala sa mood yung si Coach eh. Himala kapag masaya siya. Don't get fooled by his dimples.
Agad kaming pumasok sa razon at naabutan ang nagse sermon na Coach Ramil. Nandun din sa side yung archers na mukhang kakatapos lang ng training.
"Dawn! Kung gusto mong maging best receiver, aba ayusin mo! Walang best receiver na hindi marunong mag basa ng bola! At ikaw naman Majoy, bat butas yang kamay mo ha? Kaya nga nagba block para hindi maka lusot yung bola ng kalaban. Kung gusto mo ng block, edi ayusin mo. Dapat sarado talaga!" Dinuro duro niya pa sina Dawn at Majoy. Nagka tinginan tuloy kami ni Ara. Lagot. "Oh, eto na pala sina Ara at Mika eh." Napa yuko kami. Tas napatingin kay Kim na nagse senyas na patay daw kami.
"Sorry po Coach. Late na kasi kami na dismiss ng prof namin eh." Pag dadahilan ni Ara at napa kamot ng ulo.
"Hmm, ikaw Reyes. Anong reason mo?" Kung si Ara, academics yung dahilan, ako gala. Nako patay.
"Ah, kasi coach may mineet po ako. Sorry po." Bahala na nga! Kainis naman eh!
"Ara, get ready. Position ka na dun. Ikaw naman Ye, pumunta ka muna kay PT Clark, mag buhat ka ng weights dun. That'll be your routine before getting to training. For one month Ye. Parusa yun. And this isn't the first time kaya hindi ko to pakikielamanan. Understood?" Nag nod nalang ako bago tuluyang lumabas sa court. See Ye? That's what boys give back to you.
Bago ako tuluyang lumabas sa Razon, narinig ko pang kinantyawan ako ni Prince saying,
"May makaka sama ka dun. Pinarusahan siya." Sabi niya at tumawa. Napa kunot naman ang noo ko. Sino? Eh kumpleto naman sila eh.
Dumiretso na ako sa gym tapos non para sa aking so called 'routine' dapat kasi in the first place hindi nalang ako sumama kina Ara eh. Baka nag mukha pang double date yun in the eyes of the public.
Napa tingin sa akin lahat ng PT nang maka pasok ako sa gym. Ganun ba ako ka ganda at napapa lingon sila?
"Oh miks. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni PT Clark nang makita akong nagre ready na para sa routine.
"Parusa to PT Clark. Na late ako sa training eh." Natawa nalang siya sa sagot ko at in assist na ako.
"Late ka din?" Napa tingin ako sa direction ng pinanggalingan ng boses. Wow. Seriously.
"Oo eh. I wasn't aware of the time. Tas naligo pa ako. Pag dating namin sa Razon, nakapag start na sila. Tas saktong wala sa mood si coach at nangse sermon pa kina Dawn at Joy. The timing was really great." Natawa siya dahil sa sarcasm ko
"Out coach is also a little off, I guess? That's why you shouldn't mess with him. You know, he's new. Hindi siya katulad ni Coach Juno na chill life lang." Natawa ako sa sagot ni Jeron sa akin. So ibig sabihin, na late din siya?
"So you mean, late ka din sa training?" I asked. He nodded
"Hindi kasi ako na orient na inagahan pala nila yung training. Napag bigyan si Thomas dahil ang alam ni Coach may class pa siya during that time. Sabay lang naman kami dumating eh. Pero, wala eh." Sabay kaming napatawa. Pareho pala kaming napag labasan ng sama ng loob ng mga coach namin. So ibig sabihin, every afternoon wala ako sa training? Oh male late ako?
"Eh bat ka na late?" I asked.
"After you guys left, Thomas asked me to accompany him sa National Book store para bumili ng pen. Ewan ko dun. Pwede naman na si Ara nalang isama diba?" Natatawang sagot niya sa akin. Natigil kami sa conversation nang mapa ubo si PT Clark.
"Andito pa ako ha? *laughs* by the looks and according to your conversation, mukhang mag kasama kayo kanina ah?" Pangi intriga niya. At naka cross arms pa talaga huh?
"Kinuha kaming chaperone nung nagtatagong couple." Jeron said then laughed.
Well, everyone in Lasalle knows about Ara and Thomas. Not everyone. Pero yung mga coaches namin and other members ng coaching staff and management knows. Nag agree naman sila na itago muna ang relationship nung dalawa dahil baka maka sira pa daw sa career nila Thomas at Ara.
"Aba, mukhang close na close na kayong dalawa ah. Lalo na ngayon, mapapa dalas ang pagki kita niyo." Curious akong napa tingin kay PT Clark at saka niya dinugtungan ang sasabihin. "His coach noticed me. He'll be doing this for a month. I'm sure you are too." Mental face palm! Dahan dahan akong nag nod na ikinatawa niya.
"Tinatawa tawa mo?"
"Wala. Baka kasi may ma develop." Sabi niya matapos tumawa at nakipag apir pa kay Jeron. I don't get his point.
Matapos ang isa't kalahating oras ay na dismiss na din kami ni Jeron. Hay nako, mabuti naman! Nag text na din sa akin si Kim at Ara na nagsasabing tapos na daw ang training at hindi ko na kailangan pumunta. Yun ang sabi ni Coach.
Kaya naman, sabay na kaming lumabas ni Jeron ng gym para makabalik na sa dorm.
"Miks, you hungry? Wanna grab a bite?" Offer niya. Hmm, tanggapin ko ba?
"Sure. Pero, saglit lang tayo ah. Baka kasi hinahanap na ako sa dorm." Sagot ko at ngumiti. Nginitian niya lang ako pabalik then opened the car door for me. Yup. Yayamanin tong si Jeron eh.
"San mo gustong kumain?" He asked.
"Kahit sa mcdo nalang."
-Jeron-
Dahil ang sabi ni Boss, sa mcdo nalang daw, inikot ko na ang sasakyan at nag simulang mag drive papunta sa mcdo. Hindi naman ganun kalayo from lasalle. Siguro mga 10 minutes?
Tahimik kami sa umpisa. Pero, agad ko din naman binasag ang katahimikan.
"Miks, you know, ang tagal na nating friends pero ang awkward pa din natin." I opened up. She just nodded.
"Maybe because we're aware of the fans, na shini ship nila tayo."
"Ah, that. I have no problem with that." Napa tigil siya sa sagot ko at napa tingin sa akin. Why? Doesn't she like it?
Napa tahimik siya then quickly ended the topic.
"Kamusta na kayo ni Jane?" She asked. Are you trying to push me away miks?
"W- we're civil. And, we're done. Nothing really happened between us. It was just a show. All of it." Napa ah nalang siya. Bumaba na kami sa sasakyan dahil nandito na kami sa mcdo. From afar, may mga nakita akong tao sa loob na ang gugulo at angi ingay. Anong ginagawa nang mga to at naligaw sa Taft?
"Oh! The King Archer!" Naka ngiting sabi ni Vaughn ng makita ako. I smiled. "And the Queen Archer." He added at napa tingin kay Kiefer na katabi si Alyssa. Napa tingin nalang ako kay Mika na matalim ang titig dun sa dalawa. Kaya hinila ko si Mika palapit sa akin at hinawakan ang kamay niya.
"You want lipat nalang tayo?" Umiling siya. Then smiled.
"Hi guys." Bati niya sa mga agila.
"Naks. Bat magkasama ang Hari at Reyna?" Panunukso ni Mark Espejo
"Kaya nga Queen at King, Mark eh. A King always needs his Queen that's why they always stick together." Sagot ko. Napa tingin naman sa akin si Mika. Si Mark naman, napa tahimik nalang.
"May table na kayo? Come on, join us." Yaya ni Ysay. He's from the men's volleyball team. Nilibot ko ang paningin ko sa table nila. Mark, Ysay, Rex, Therese, Alyson and Kiefer.
"What do you think, AEREEN?" I emphasized AEREEN kaya tinitigan ako ng matalim ni Mika. Nag kibit balikat nalang ako.
"Anything you want, ALVIN." We decided to just sit sa may malayo sa mga agila. Sa dulo nalang. Bayaan mo sila dun.
"Anong order mo?" I asked.
"Kahit ano." She plainly answered. Nag okay lang ako at um order na.
One spaghetti with Chicken, one crispy chicken sandwich, one chocolate fudge sundae, one large coke and one large fries for Mika. The rest are mine. Stress eating si Mika today.
"I know you're stressed." Napa tingin kasi siya sa akin nang ilapag ko sa table yung order namin. Napa ngiti ko siya doon dahil favorite niya lahat ng in order ko.
"Thank you." She smiled. We began eating at maya maya pa nang makarinig ako ng isa pang grupo na maingay na pumasok sa mcdo. At hindi ako nagkakamali. Boses palang eh.
"Eagles! What's up?" Bati ni Andrei nang makita ang table ng mga agila. Ganun din ang ginawa ng spikers.
"Bro, your King's here. And he's with his Queen." Natatawang sabi ni Vaughn at tinuro ang table namin. Agad silang napatingin dito at saktong pareho din kaming nakatingin ni Mika. Naga alangang ngumiti kami sa kanila.
"Aha! Ikaw ha! Kaya ka pinaparusahan eh. Date pa more!" Natatawang sabi ni Ara nang makalapit sila sa table namin ni Mika.
"Pinag sasabi mo jan. Di ako mabilis mag palit no." Sagot ni Mika at sumimangot. Napa tingin nalang ako sa kanya. Si Kiefer pa din ba?
"King, hindi naman yata pwedeng si Mika lang ang nili libre mo. Diba guys?" Napa kamot nalang ako sa ulo sa sinabi ni Justine.
"Ayan si Joshua oh. Madaming pera yan. Pa libre ka." Sabi ko at tumawa. Inulan ng tukso sina Tiu kaya naman sinamaan ako ng tingin. Oo nga. Sabi ko nga eh!
Nag abot ako ng 2k kay Josh at Andrei at sinabing sila na ang bahalang mag order para sa mga gutom na ka team mates. Pinag dikit dikit na din nila yung table kaya para kaming nasa long table ngayon.
"Dami niyan idol ah." Panunukso ni Kib kay Mika. Sinamaan tuloy siya ng tingin.
"Problema mo? Buhay ko to kaya wag kang mangielam." Napa 'oh' nalang kami sa sagot ni Mika. Wow. Bad mood na nga.
Tahimik nalang na tinapos ni Mika ang pag kain niya at umalis na. Dire diretso siyang lumabas nang hindi manlang nag paalam sa amin. Napa tingin ako sa spikers. Pati na din kay Prince.
"Prince kasi eh." Sabi ko sa ka team ko.
"Sundan mo na King. Baka mamaya kung sino pa maka kita dun." Nag nod ako sa sinabi ni Joshua at tumayo na para sundan si Mika.
Hindi naman ako na bigo dahil nandun lang pala siya sa likod ng sasakyan ko. Umiiyak.
Tinayo ko siya at hinagod hagod ang likod niya. Kasunod nun ay ang bigla kong pag yakap sa kaniya.
"Shh." Humiwalay siya sa pag yakap. "Let's go. I'll take you far away from here." Nag nod siya at sumunod na sa akin.
Sumakay na kami sa sasakyan ko at alam kong nakita yun ng mga agila at archers. Wala na akong paki elam basta ang mahalaga, mailayo ko si Mika mula dun sa unggoy na yun.
Naka rating kami sa may sea side sa MOA. Agad kaming lumabas ng sasakyan at nag simula nanamang umiyak si Mika.
"Ang sakit kasi eh." She said, "You know, ang saya saya niyo. Tapos one day, sasabihin niya nalang na the magic is gone. Sobrang sakit Je." She added in the middle of sobs.
Ako naman, patuloy lang sa pag rub ng likod niya. Like what I used to do. Comforting her, making her forget all the pain she receives because of that s**t.
Nang ma kalma siya sa pag iyak, iniwan ko siya sandali para bumili nang ice cream. Bumalik ako sa kaniya at ngumiti nang makita ang ice cream.
"You really know how to calm me huh?" Sabi niya at kinuha ang ice cream na nasa kamay ko.
"I'm used to this." Napa tigil siya. Ganun din ako. Kaya nagka tinginan kami. Agad din naman niya itong binawi sabay sabing,
"Thanks Alvin."