Chapter 5

2668 Words
Just Friends Kinabukasan, maaga akong nag handa at nag bihis dahil Saturday ngayon, uuwi muna ako sa amin. Mom loves it when we go home on weekends. Pare-pareho kami halos ng mga kapatid ko na may sariling condo unit, malapit sa mga university namin. Si Kuya naman, may sariling bahay na dahil kasal na. Sunday night ako nabalik sa taft. Sa Makati lang naman ang bahay namin eh. Matapos maligo at mag bihis, nag pabango naman ako at nag ayos ng buhok. Then, I grabbed my car keys at bumaba na. Naabutan ko naman si Thomas na kalalabas lang sa banyo.  "Aalis ka bro?" Sabay na sabi naming dalawa. Choir talaga yata 'to? "Tss. Gaya gaya ka nanaman eh.." Sagot ko. Napatawa nalang siya. "Uuwi ako ng Pampanga. Eh ikaw?" He asked "Sa Makati. You know, mom would love it if I'm there for this weekend." Sagot ko naman at nag nod nalang siya. Mukhang bibisitahin nito lola niya ah. "Sino kasama mo?" I asked. "Si Ara." I grinned then wiggled my eyebrows. Sinamaan niya nalang ako ng tingin at tumawa. "Ingat kayo bro ha. Ingatan mo yun si Ara." I laughed. "Sige bro, una na ako." I decided na dumaan muna sa red ribbon para bumili ng paboritong cake ni Mom. Yung kay Mom nalang ang bibilhin ko since I bought Dichi and Achi's favorites last week. I parked the car outside Red Ribbon, alarmed it para masara. Pumasok ako sa store to look for mom's favorite. "Black forest cake for to go please." Napatingin ako sa katabi ko at natawa nang makita kung sino iyon. Seriously huh. At parehas pa talaga kami ng order. "Oh, Jeron." She smiled. "Ah, ma'am, sir, sino pa sa inyo ang kukuha ng black forest? Last piece na po kasi yang display eh. Naubusan po kasi tayo. Pasensya na po." Napa tingin ako kay Mika. Mukhang uuwi din siya sa kanila eh. "Uuwi ka ba ng Bulacan?" I asked. She just nodded. Tama. Papalakas ako kay Tita Bhaby. "It's okay, miss. Give it to her. Choco mocha crunch nalang sa akin. Isang box din ah." Agad namang nakipag argue si Mika dahil sa desisyon ko.  Kaya ngayon ay palipat lipat ng tingin yung cashier sa amin. "Jeron, ano ba yan. Nakaka hiya naman. Sige na. You may take it. May mga madadaanan pa naman akong red ribbon stores along the way eh." She reasoned out. Napa kamot nalang tuloy ako sa ulo. "Mas nakaka hiya kung kukunin ko yan. Napaka un gentleman ko naman 'non." I laughed. "Sige na. Sayo na. Pasalubong mo sa mga kapatid mo." I smiled. Agad din naman siyang ngumiti. "Sure ka ha? thanks Je. Hindi lang kasi talaga ako nakapag bake dahil wala nang oras." Na gulat ako nang sabihin niya yung salitang, 'bake.' So she knows how to bake?  "Marunong ka?" She nodded, cutely. Ohh. That melts my heart. "Yup. I just couldn't find a time to make cupcakes for Miko and Mikole. Whole day ang class ko yesterday then lumabas pa tayo after right?" I nodded. Naputol naman ang usapan naming dalawa nang mag salita yung cashier. "That will be, 1,370 pesos po." Napa tingin agad si Mika dun sa cashier nang nagtataka. "Pinag sama mo ba miss?" She curiously asked. "Ay. Opo. Mukha po kasing iisa lang naman yung pupuntahan niyo. Hindi po ba?" Napa kamot sa ulo yung cashier. Ako naman, natawa nalang. "Okay. Here." Nag abot ako ng 1,500 dun sa cashier para sa bill. Agad namang hinawakan ni Mika yung kamay ko. "Uy! I'm gonna pay for my cake!" Dipensa niya. Pero too late na dahil na suklian na ako. "Sorry Miks. Just treat me coffee kung hindi ka makakatulog dahil sa panlilibre ko." Sinamaan niya ako ng tingin at pinalo ng mahina sa braso. Natawa nalang ako. "Thank you. *smiles* Tara, starbucks tayo before you go." Lumabas na kami sa store bitbit yung mga cakes at lumipat sa kabilang store. Starbucks naman, mabuti na din dahil hindi ako nakapag breakfast. We searched for a table at saktong isang table for two nalang yung natitira. Mika told me to look for our table at siya nalang daw ango order. She insisted kaya binayaan ko nalang. Pag balik niya, dala niya na ang isang tray na may lamang 2 orders ng french toast at coffee. "Caramel Macchiato for Aereen and Americano for Alvin." Ngumiti siya sa akin at inabot ang cup na may 'Alvin' at smiley pa. Alvin. Reminds me of the past. "The usual." I laughed. She also laughed. We talked for a while until we both felt that time is running. We had to go dahil malayo pa si Mika. Maaabutan siya tuloy ng matinding traffic. I grabbed the box for her at hinatid siya sa may parking lot. Turns out, mag katabi lang pala yung mga sasakyan namin. Hindi ko lang napansin kanina dahil sa sobrang pagmamadali. "Thank you ulit sa cake ha. Miko and Mikole will surely love this." She smiled nang maka sakay na sa sasakyan. "Tell them 'hi' and that's from their future brother in law." I laughed after saying that. Si Mika naman, she cursed at sinamaan ako ng tingin. Matapos nun ay tumawa din naman siya. "Say hi to your parents for me. Pati sa siblings mo." I nodded. "Okay, I'll go now. Drive safely ha?" She reminded.  "I should be the one saying that." Ikinagulat ko ang bigla niyang pag baba sa sasakyan niya. Pero mas ikinagulat ko nang mag tip toe siya at halikan ako sa cheeks ko. Deym. The feeling tho. This is the second time now. Alanganin siyang ngumiti ang mabilis na sumakay sa sasakyan niya. "Bye." She waved. "Take care, drive safely Ye!" Sabi ko at nag wave sa paalis nang sasakyan niya. I cant help but smile as I start the engine of my car. Mika is making me fall for her more. But will she catch me? Around 11 when I reached our house sa Makati. Everybody is here. Ako nalang ang kulang. "Hi, shoti." Naka ngiting bati sa akin ni Achi Wensh at nakipag beso. "Mmm. Amoy babae ka ah." She laughed. Agad namang lumapit sa akin si Dichi at nangantsaw. "Oh my gosh Je, binata ka na?!" Paghi hysterical niya. Napa kunot naman bigla ang noo ko. "Dichi naman, no!" Lumapit naman sa akin si Achi Alyssa. This time, siya naman yung umamoy sa akin. "Oo nga, amoy babae. Ang masaklap, amoy baby cologne!" Sabay sabay silang tumawa tatlo at nag high five pa. Hay, nako. Napag kaisahan nanaman ako. Kasunod nito ang pag lapit sa akin ni Ahia at nakipag manly hug pa. "Sino yung amoy baby cologne?" He asked. "Wow, grabe. Ganun ba ka halata?" I laughed. Napa tingin silang lahat sa akin. "So, it's true that you're already dating someone?" Achi Wensh asked. Umiling ako. "Then what?" Si Dichi Almira naman ang nag tanong. "Let's say, a deeper friendship." Sabay sabay silang nag katinginan at tumawa. What the heck? "Deeper friendship? Ang corny bro!" Ahia laughed as he tease me. Nag smirk nalang ako. "So, who is the unlucky girl?" Tanong ni Achi Alyssa then wiggled her eyebrows. "Mika Reyes." I smiled. Widely. Then they all pulled me and hugged me. Ugh, this is why I hate being the youngest. "OMG! Shoti, I'm so proud of you! Finally!" Sabi ni Achi Wensh at umaktong nagpa pahid ng luha kahit wala naman. "Ako una mong sasabihan kapag kayo na ha? I love you brotta." Sabi ni Dichi at niyakap pa ako. "Hindi naman halatang boto kayong lahat kay Mika no?" They all shrugged then laughed. Sabay sabing, "Naman!" Mom and Dad called us out for lunch. As usual, naging maingay ang table because of the three girls. Achi Wensh is the newest edition to the family. Actually, she has been part of the Teng clan for a while now at last month, naging official iyon when they got married. Dad asked both me and Ahia about basketball. Kasunod ng topic na iyon ay ang pangbubuking sa akin ng mga babae dahilan para mas lalong umingay ang table. Kapag talaga pinag sama sama ang mga to. "Kailan mo dadalhin si Mika dito, shoti?" Mom asked. Then those crazy people laughed. "Ma naman, I'm not courting her yet. Dalhin agad dito?" I reasoned out. "Siyempre. Para mas makilala ko ang future in law ko." She added. "You know, the Reyes' had been part of our family for two years now. Hindi lang kayo ni Mika ang mabibigyan ng atensyon dahil lahat ng attention, nakina Almira at Perry. Well, that's what our family needed." "I understand mom. But please, just this once. Let me handle my own personal matter." I smiled. Mom smiled at me too and she agreed. Dichi Almira and Kuya Perry, Mika's brother were victims of fixed marriage. As of now, wala lang kasal na nagaganap. Our parents gave them time to get to know each other first. And right now, those two are each best partners in crime. They are also together. Started dating 8 months ago. Though it all started with a fixed arrangement, who would have thought na magkaka happy ending sila, right? Achi Alyssa also has a boyfriend. He is an architect. Just like Achi, he also graduated in UST. Kaya sa mga magkakapatid, ako nalang talaga ang hindi pa nabibiyayaan ng love life.  Mika, kailan ba ang right time? Kasalukuyan akong naka upo sa may pool area nang tabihan ako ni Dad at abutan ng isang baso na may lamang brandy. Napa tingin tuloy ako sa kaniya. "Don't you think it's too early for that Dad?" I asked. But then he still handed me the glass. "Better late than never." We both shrugged. "So, how's Mika?" Nagulat ako nang bigla akong tanungin ni Dad. He never really asked about my love life. This is first time. "She's fine Dad. We're good friends." He nodded. "Iba lang talaga yung feeling kapag kasama ko siya. I feel like I'm fully energized whenever I'm with her. The feeling is magical." Dad just nodded the whole time I was saying that. "Hindi mo pa nililigawan?" He asked. Umiling nalang ako. "She's not yet ready Dad. Anger and revenge for her past are what she thinks of now. Ayoko namang maging panakip butas Dad." He nodded at nakipag toast pa sa akin. "Just don't lose her son. This is the second time. Wag kang padalos dalos sa decisions mo." I slightly chuckled as Dad reminded me. "The last time I checked, it wasn't my decision alone." Then we both laughed. Mika Aereen, I want you to be mine this time. I want you to fall in your rightful owner. Mika's Point of View  Saktong 12 na nang maka rating ako sa bahay. As usual, Mom was still busy kahit nasa bahay na. She does work even at week ends. Kaya nga nag kuha ng secretary para hindi siya lagi namo mroblema eh wala eh. Hands on talaga siya sa resort. Nang mai park ko ang sasakyan ko, agad kong kinuha ang mga gamit ko, pati yung cake na binigay ni Jeron at pumasok na sa bahay. Naabutan ko pang nanunuod ng basketball sina Miko at Mikole. "Ate Tangkad!" Masayang sigaw ni Mikole nang makita ako. Dagli siyang tumayo at lumapit sa akin para ma hug ako. My little bunny is now getting taller! "Ikaw nga eh, tangkad mo na din!" Masayang bati ko at nilaro ang buhok niya na ikinainis niya naman. "May pasalubong ka?" Miko asked. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Wow, wala manlang bang 'hi' o 'hello'?" Tanong ko sa kaniya at nag taas ng isang kilay. Agad niya namang binawi ang sinabi kanina at tumawa. "Siyempre meron. Hi ate tangkad!" Natatawang sabi niya at niyakap ako. Maya maya pa nang lumabas si Mama mula sa kaniyang so called 'office' dito sa bahay. Binati nila ako ni Papa at niyakag na sa dining. "Oh. Kayong dalawang matakaw, yang cake na yan, libre lang yan. Tss. Pasalamat kayo sakin." Sabay silang napa tingin sa akin at ngumiti. "Thank you!" "Wag sa akin. Kay Jeron." Sabi ko at binelatan sila. Automatic na lumaki ang mata nila pareho. "Jeron Teng?!" Sabay na sabi nilang dalawa. Tumango naman ako. "Omg. Huhuhu it tweet ko na ba si Idol? Hala, bat ka nag pa libre?" Nabatukan ko bigla si Mikole. Ang OA eh. "Hindi ko siya pinilit no. At saka, tigil tigilan mo. Wag mong i tweet yan. Gagawa pa ng issue eh." Sabi ko at nag patuloy na sa pag-kain. Binelatan ko nalang. "Bakit. Hindi pa ba kayo?" Pangi intriga ni Mama. "Ma naman!" Then she laughed. "You know, I always mention na mas gusto ko si Jeron para sayo. He's not like Kiefer na simula't sapol alam mo nang cheater." Napa tahimik ako bigla. Kung meron mang number one fan ang miefer, meron ding number one hater. Si Mama. Nililigawan palang ako nun ni Kiefer, hadlang na siya eh. She warned me. May history daw kasi si Kiefer at high school palang, playboy na. Of course. I'm her daughter. Alam ko naman na sinabi niya yun dahil ayaw niyang masaktan ako. Pero sa kabila ng mga warning ni Mama, hindi ako nakinig. Kaya eto ako ngayon, nag iisa. Nasaktan. Naloko. Napag laruan. Pero pano kaya kung nakinig ako kay Mama no? Pano kaya kung si Jeron yung pinili ko? "Eh pag niligawan ka ni Jeron? Papaligaw ka ba?" Dad asked. Napa tingin naman ako sa kaniya bigla at ngumiti. "I still don't know Dad. I'm not yet ready." Natahimik nalang silang lahat at hindi na ako kinulit pa tungkol doon. Pero hanggang sa matapos kaming kumain, hindi ako tinigilan ni Mikole. Favorite niya kasi ang black forest at gusto niya daw mag thank you kay Jeron. Hindi niya lang alam kung pano. Nang malingat ako, hawak na agad ni Mikole ang phone ko. She was doing something on it at nang matapos, binalik niya ito sa akin with a grin. "Ngini ngiti mo dyan?" I asked. Ngumuso siya sa phone ko at doon ko nakita ang tweet, @mikareyesss- to the guy who bought the cake for my siblings, thank you for the treat. ?❤️ @jeronteng Automatic na napa laki bigla ang mata ko. Agad kong dinelete yung tweet ni Mikole bago pa may maka kitang fan. "Ugh. Mikole Reyes!!!" Galit kong sabi at nag simulang habulin siya. Pasaway na bata! MONDAY na ulit kaya back to Manila na ako. Actually, katatapos tapos lang ng training. Pinahirapan kami ngayon ni Coach dahil gusto niya, matalo namin ang St. Paul's this season. Hindi man namin ma dominate ang stats, basta matalo namin sila. Pride ng school ang nakasalalay sa rivalry na ito.  Kasalukuyan akong nag papahinga nang may maputing kamay na nag abot sa akin ng gatorade. "Je." I smiled. "Thank you." Nag nod nalang siya. "Anong oras ka nakauwi last night?" He asked. Kagabi kasi, magka-text kami bago ako umuwi.  Napapadalas iyong ganoon na lagi kaming magkausap at magka-text. Minsan, tumatawag pa siya sa akin kapag gabi. Bored daw kasi siya at sawa na siyang makipag-kwentuhan sa team mates niya.  "Around 10 na din siguro." Natahimik siya at biglang ngumiti. "What's with the smile?" I asked. "Nothing. I just remembered something." Napa tingin ako bigla sa kaniya nang muli siyang tumawa. What the heck. Nakita niya?! "Care to share?" Nag smirk siya. "You really want to know?" He laughed. Nag nod nalang ako. "I saw your tweet. Even screen captured it." Muli siyang tumawa at ako naman, gusto kong kainin nalang ng lupa. Kahit ngayon na! "Ugh! Je!" Pinagpapa palo ko siya sa braso because he kept on laughing. And he's embarrassing me! "King, baka naman gusto mo pang mag training?" Natatawang sabi sa kaniya ni Joshua. "Hi idol." He added a smile, kaya I  smiled back. "Usap tayo later." Jeron smirked at ginulo ang buhok ko. Malilintikan talaga sa akin ang batang iyon sa susunod na uwi ko ng Bulacan! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD