CAI' S POV Nagising na lang ako na napakasakit ng mga katawan ko pati na rin ang ulo ko......nararamdaman ko ang kirot mula sa ulo at binti ko, nakapa ko ang ulo ko dahil sa patuloy na pag agos ng dugo mula dito papunta sa mukha ko...pinipilit kong tumayo ngunit hindi masyadong maigalaw ang kanang binti ko. Mukhang malaki ang na damage sa paa ko.. Ang huling natatandaan ko ay ng mahulog ako kasama si Li sa isang malalim na hukay na punong puno ng ahas...nakatakbo pa kami at napatay namin ang ilang ahas na nandun, pero nagulat na lang kami pag pasok namin sa isang kwarto ay punong puno din ng ahas. Hinagisan namin ng granada ang loob ng kwartong yun, pero mukhang mautak ang taong gumawa ng patibong na yun, dahil kasabay ng paghagis ni Li ng granada ay may isang tangke pala ng gasul na na

