SATOMI'S POV Sa final battle, pito na lang kaming natira. Tanging si Death sword lang ang may kasama sa grupo na nakapasok. At sa huling laban na to ay kailangang matira ang matibay. Isa lang ang kinakailangan manalo sa huling round na ito, kailangan mong malagpasan ang mga patibong na naka abang sa bawat lugar na ito sa gubat... Kailangang makalabas ka at makita mo ang tamang daanan sa loob ng tatlong oras dahil automatic na masusunog ang buong gubat kapag hindi ka nakalabas sa takdang oras.... At sa labanang ito ay wala kaming dalang anumang sandata, mahigpit na pinagbawalan kami magdala ng kahit anumang sandata pagpasok namin sa isang pinto papunta sa gubat..... May mga nakatagong armas sa gubat, kami na ang bahalang humanap kung saan namin mahahanap ang bawat armas na yun, kinakaba

