AKALA ni Daisy, kapag lumipas na ang ilang araw na sinamahan ng tambak na trabaho ay babalik na sa normal ang lahat para sa kanya. Na para bang hindi dumaan sa buhay niya si Rob. Mas mahirap pala kaysa inakala ang alisin sa kanyang sistema ang binata. Kaya nang sumapit ang araw ng content meeting kung saan dadalo ang Wildflowers at siyempre siguradong pati si Rob, parang may asido sa sikmura ni Daisy. Hindi niya alam kung mapapanatili ang kanyang no-nonsense attitude kapag nakita si Rob. At nang sabihin ni Nessie na parating na ang mga miyembro ng Wildflowers, pakiramdam ni Daisy ay tumalon palabas ng dibdib ang kanyang puso. Humigpit ang pagkakayakap niya sa hawak na folder. “Good morning!” masiglang bati ng mga miyembro ng Wildflowers. Halatang na-starstruck ang lahat ng tao sa conf

