Athena Hindi ako nakatulog buong magdamag pagkatapos magpaalam ni Enzo sa pamilya ko. Hanggang ngayon ay paulit ulit na sumasagi sa utak ko ang kanyang itsura habang kausap nya sina nanay at tatay. Alam kong mahirap sa kanya ang ginawa nyang pagpapaalam sa kanila dahil itinuring na nya ang mga magulang ko bilang pangalawa nyang magulang. Simula rin kanina ay hindi na nya ako tinawagan pa o tinext, hindi kagaya ng mga ginagawa nya nitong mga nkaraang buwan. Marahil ay malinaw na talaga sa kanya ang lahat na kaming dalawa ay walang pag-asa. Tahimik ang cellphone ko buong magdamag. Sya lang naman kasi ang magdalas magtext at tumawag sa akin. Ngunit ngayon ay naninibago ako dahil wala ng nangungulit sa akin bago ako matulog. Wala ng nagpapaalala sa akin na kumain ako ng madami. Wala ng m

