Athena “South Korea???” Gulat na gulat na tanong nina nanay at tatay ng banggitin ni Enzo na balak nyang magbakasyon kami sa South Korea. Sino ba naman ang hindi magugulat? Napakalayo ng South Korea at balak akong dalhin doon ng lalaking ngayon ko lang naman nakilala. Ang tagal kasing matapos ng isang buwan, kaya kung anu ano ang naiisip ng lalaking ito. Baka sa susunod na linggo naman ay sa Africa na nya ako dalhin at hindi na nya ako ibalik sa mga magulang ko. “Nay, tay, masyado pong malayo ang lugar na iyon. Siguro naman ay hindi kayo papayag na makasama ko ang lalaking ito sa malayong lugar?” pagmamatigas ko sa mga magulang ko. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang nasa utak nila. Baliw na rin siguro ang mga magulang ko kung papayagan nila akong sumama kay Enzo. Alam kong h

