Athena Araw ng Lunes. Six thirty na ng umaga pero wala pa rin si Enzo sa bahay. Dati rati naman ay alas sais pa lang ng umaga ay naririto na sya. Nakikikain pa ng almusal sa amin. “Anak, baunin mo na lang itong paboritong egg sandwich ni Enzo. Mukhang late yata ngayon ang manliligaw mo.” Banggit ni Nanay Napatingin muli ako sa pambisig kong relo. Kinakabahan ako dahil ayokong ma-late sa unang klase namin. Nakakainis talaga ang taong iyon. Kaagad kong kinuha ang baon ko kasama ang pabaon ni nanay kay Enzo. Isiniksik ko ang mga iyon sa bag ko. “Oh, aalis ka na?” tanong ni Tatay Napabuntong hininga ako. “Aalis na po ako dahil baka mas lalo akong ma-late kapag hinintay ko pa sya.” Inis kong banggit sa kanila Kaagad kong isinukbit ang bag ko. Binigyan ko ng halik sina nanay at tatay ba

