Tatay Atanacio POV Lahat ng ama ay pinapangarap na magkaroon ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Kagaya ko, lahat ay gagawin ko upang matustusan ang mga pangangailangan ng anak kong si Athena. Kaya lang talagang minsan ay malas ang buhay kaya naman hindi ko talaga naibibigay ang lahat ng mga gusto at luho ng anak ko. Mabuti na lamang at naging napakabuti at mabait na anak si Athena. Hindi rin sya mahilig sa mga materyal na bagay. Mas madalas na simple lang ang mga gusto nya. At jackpot talaga ako sa anak kong ito dahil napakatalino nyang bata. Kaya nga sya nakakuha ng scholarship sa Golden Valley dahil sa katalinuhang taglay nya. Saan pa ba magmamana? Eh di sa matalino nya ring ama, at ako iyon! Pero sa isang iglap ay parang nagbago ang ikot ng mundo para sa pamilya namin nang

