Athena Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Ethan sa aking beywang. Mas lalong humigpit ang kanyang mga yakap sa akin. Kusang pumulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Hindi ko pinigilan ang kanyang mga halik. Nagugustuhan ko ito. Gosh! Sabi ko pa naman sa sarili ko ay pipigilan ko si Enzo kapag nagtangka syang halikan akong muli. Pero ngayong si Ethan ang humahalik sa akin ay bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko? Dahil na rin walang masyadong estudyante sa lugar na ito kaya siguro hindi ko sya mapigilan. Nalalasing din ako sa paghagod ng kanyang labi sa aking labi. Mas kakaiba ang kanyang mga halik kaysa kay Enzo. Mas masarap ito at mas nagugustuhan ko ang mga halik ni Ethan. Kahit ilang beses kong itanggi sa puso ko na hindi na ako aasa sa isang Ethan Enriquez ay kusa pa

