Nasa loob kami ng penthouse office ni Draemon. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat hinga ko. Lapat ang mga palad ko sa ibabaw ng mesa, hawak-hawak ang USB na may lamang mga file na hindi niya alam na kinuha ko. Tumitig ako sa kanya. Sa lalaking āto na minsan kong inakalang tagapagligtas⦠pero ngayon, hindi ko na alam kung sino talaga siya. āAlam ko na ang lahat, Draemon,ā sambit ko, diretso, walang paliguy-ligoy. āAlam ko na ang tungkol kay Elise. Kay Subject 3. Sa Project Ascension. Sa Carter at Rivera. At sayo.ā Napatingin siya sa akin, hindi nagulat. Hindi natakot. āGusto ko ng paliwanag,ā dugtong ko. āBakit mo kailangan pahirapan ang mga Rivera at Carter? Bakit mo kailangan pumatay?ā Tahimik siyang tumayo mula sa swivel chair at humakbang papalapit. Naglakad si

