Chapter 1 Yunnah’s Rest House

3824 Words
Zoraya’s POV Noong sabihin ni Yunnah na sa rest house nila kami magbabakasyon, akala ko ay exaggeration lang iyong resthouse. Pero hindi pala. Pagdating namin doon, literal itong mansion na napapaligiran ng mga bundok, kagubatan at lawa sa likod. May mga chandeliers kahit sa veranda. May infinity pool na parang hindi nauubusan ng tubig. May mga staff na naka-uniform pa talaga… mga naka-white polo na may logo ng Villasis Group of Companies sa dibdib. “Resthouse?!” halos sumigaw si Denise habang bumababa ng van. “Girl, ito ay isang mini resort! Sobrang ganda, nakakaloka!” “Tama na kayo,” sagot ni Yunnah habang inaayos ang shades niya. “Technically, resthouse pa rin iyan. Hindi ko naman kasalanan kung may architect si Papa.” “May architect? Girl, may sariling elevator ito!” tili ni Jeanna, halatang hindi pa rin makapaniwala. “Pati iyong guesthouse may sariling veranda!” singit ni Ali habang nagre-record ng vlog sa phone niya. “Teka lang,” sabi ni Ashley, medyo kabado. “Sigurado ka bang puwede tayong mag-ingay dito? Baka ma-bash tayo sa susunod na vlog ni Ali.” “Hindi ko naman kayo ilalaglag!” sabay kindat ni Ali. “Unless may gumawa ng kabaliwan na worth the views.” Nagkatawanan kami. Pero kahit may halong ingay at saya, ramdam kong parang may kakaiba sa hangin. Siguro ay dahil sobrang tahimik sa paligid. Wala kang maririnig kundi iyong ihip ng hangin at kaluskos ng mga dahon sa gilid ng property. At kahit napakaganda ng lugar, hindi nawawala iyong creepy feels. Iyon bang parang may nakamasid. Pero mabilis kong binura sa isip ko ang ideya na iyon. Hindi ito horror o thriller movie. Baka pagod lang ako sa biyahe. Pagpasok namin sa sala, sinalubong kami ng malamig na amoy ng bagong linis na marble at lemon-scented air freshener. May paintings sa bawat dingding, karamihan abstract… iyong tipong gusto mong intindihin pero parang ayaw din magpaliwanag. “Ang tahimik,” bulong ni Rizza, habang sinusundan kami sa loob. “Walang tao?” “May caretaker,” sagot ni Yunnah. “Pero umuwi muna. Ako na raw ang bahala. Safe naman dito kasi may CCTV sa lahat ng parts ng house.” “May CCTV pero walang signal sa phone,” reklamo ni Dwayne. “Parang horror movie ito, ‘tol.” “Ay ito ang gusto kong vibe,” sabi ni Arkisha na kalmado lang. “Mas tahimik, mas totoo ang usapan.” “Mas creepy, mas gusto ko,” dagdag ni Jeanna. “Perfect itong backdrop sa healing arc ko.” Natawa si Denise. “Healing arc mo o revenge arc?” “Pareho,” sagot ni Jeanna, sabay taas ng kilay. “Depende kung sino unang sumablay.” Pagkatapos naming pumili ng mga kuwarto (syempre, si Dwayne ang unang sumugod sa pinakamalaking guestroom), nag-set up kami ng maliit na bonfire sa may likod-bahay. May dalang marshmallows si Rizza, may dalang red wine si Yunnah, at patuloy lang din si Ali sa pagre-record ng video. “Alam niyo bang may urban legend daw sa area na ito?” panimula ni Ali habang nag-aayos ng camera. “Hay, naku, ‘wag kang magsimula ng ganiyan,” sabi ni Ashley, halatang kinakabahan agad. “Mag-isa ako sa kuwarto mamaya, ayaw ko na may ganiyang usapan.” “Hindi, legit ito!” giit pa ni Ali. Mukha siyang excited. “Sabi ng caretaker ni Yunnah, may part daw ng gubat sa likod ng rest house na hindi dapat puntahan. Kasi daw minsan ay may nawawala ro’n.” “Wow, original,” singit ni Dwayne, sarcastic ang tono. “Classic na may gubat, may multo.’ Next topic.” Natawa si Jeya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang malagkit na tingin ni Dwayne sa kaniya noong hindi na siya nakatingin dito. “Teka,” sabi ni Arkisha, seryoso ang tono. “Anong ibig niyang sabihin na nawawala?” Ali smiled mischievously. “As in, nawawala. Like, hindi na bumabalik, gano’n.” Tumahimik bigla ang lahat. Tanging ang malutong na tunog ng nasusunog na kahoy at may kalakasang ihip ng hangin ang naririnig namin. “Uy, ‘wag niyo nga akong tinatakot. Tama na .yan,” sabi ni Rizza, na tumawa pa kahit kinakabahan. “Baka naman gawa-gawa lang ‘yan,” dagdag ni Denise. “Mga caretaker talaga, laging may urban legend para hindi lapitin ng trespassers.” “Exactly,” sagot ni Yunnah, pero napansin kong tumingin din siya sa madilim na bahagi ng gubat. Iyong tingin na parang narinig na niya ito dati, pero ayaw niya lang aminin o paniwalaan. “Mabuti pa ay kumain na muna tayo… gutom na ako,” daing naman ni Jhoezen. Habang kumakain kami ay sinabayan na rin namin nang pakonti-konting pag-inom ng alak. Pagkatapos ay nagsimula na iyong mga seryosong usapang may halong katotohanan at drama kapag lasing na. “Kung hindi ka Escoffier, Z,” tanong ni Ashley sa akin, “sino ka kaya ngayon?” Napaisip ako. Ang daming sagot na puwedeng ibigay, pero lahat parang mali. “Siguro ako pa rin,” sagot ko sa huli. “Pero mas maganda siguro kung nakilala ko ang tunay kong mga magulang. O di kaya naman ay kung saang pamilya ako nanggaling.” “Hindi mo nga pala man lang alam, ano?” medyo malungkot na tanong ni Ali. Tumango naman ako. “Pero alam mo, in fairness… ang suwerte mo kasi ang popogi ng mga kuya mo!” kinikilig na komento ni Jhoezen. “Korek! Ang sasarap nila, jusko!” bulalas naman ni Arielle na kanina pa tahimik. Itong dalawang ito ang may crush sa mga kuya ko noon pa. “Be honest, Zoraya, hindi ka man lang ba nagka-crush sa kanila?” curious na tanong ni Arkisha. Umiwas naman ako ng tingin at pigil na pigil ang sariling mapangiti. “Siyempre, hindi… kasi mga kapatid ang turing ko sa kanila,” sagot ko. Pero ang totoo, ilang beses nang nagpakita ng interes ang tatlo kong mga kapatid mula pa noong high school ako. Pero mabuti naman at hindi nila ako ginawan ng masama. “Bakit hindi ako naniniwala?” nakalabing sambit ni Jeanna. Makahulugan ding ngumiti sina Denise at Arielle. “Me, too! Sure ka? Hindi mo natikman ang mga–” “Hoy! Stop that!” saway ko na agad sa kanila. “Walang gano’n, okay? Kahit ampon lang ako, wala akong ganoong feeling para sa kanila. Ganoon din sila sa akin. We just love one another as siblings…” “Deep,” sabi ni Dwayne. “Ako siguro kung hindi anak ng senador, baka jeepney driver. Mas may respeto pa ako sa ganiyang trabaho.” “Ang guwapong driver!” pabirong komento ni Rizza. Tahimik kaming lahat kasi hindi naman tumawa si Dwayne. Totoo iyong sinabi niya. “Kung hindi ako mayaman,” sabad ni Arkisha, “baka ako iyong tipong nag-a-apply ng scholarship sa abroad. Pero, hindi ako kailangan ng mundo… ang kailangan lang nila, apelyido namin.” “Kung hindi ako influencer,” sabi ni Ali, “baka isa lang akong simpleng estudyante na nagtatago ng sarili. Pero hindi ko naman kaya iyon. Mas gusto kong marinig ang boses ko… kahit sa maling paraan.” Tumahimik ulit kami. Tapos biglang nagsalita ni Jeanna, “Kung hindi ako niloko dati, baka naniniwala pa rin ako sa love ngayon.” “Hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho, Jeanna,” sabi naman ni Dwayne. Kitang-kita naming lahat kung paanong lumambot amg ekspresyon ni Jeya sa sinabi ni Dwayne. May something talaga sa dalawang ito. Lumalim ang gabi. Ang bonfire ay unti-unting namatay. At sa gitna ng mga tawanan at pagod, nagpasya kaming maglakad-lakad papunta sa likod ng resthouse… kung saan daw nagsisimula iyong trail papunta sa gubat. “Let’s go. Last adventure bago tayo maging responsible adults,” sabi ni Denise habang tumatawa. “Sure ba kayo diyan?” tanong ni Ashley. “Walang flashlight.” “May ilaw naman sa phone ko,” sagot ni Rizza. “Saka malapit lang daw iyon, eh.” “Wow! Sabi mo lang kanina, takot ka… nakainom ka lang, tumapang ka na!” natatawang pang-aasar naman ni Denise. “Yunna, dapat palagyan niyo ng ilaw dito sa bandang likod papuntang gubat,” suhestyon pa ni Arielle. “Oo nga! Ang ganda pa naman dito, oh! Buong-buo pa ang maliwanag na buwan!” masayang sang-ayon din ni Ashley. Pero mali. Pagdating namin sa trail, napansin naming walang maririnig na mga kuliglig. Walang hangin. Wala ring signal. At iyong mga puno… parang sobrang dikit sa isa’t isa. “Guys,” sabi ni Jeanna, pilit na tumatawa, “parang iba itong vibe dito, ah.” “Baka naman scenic lang,” sagot ni Yunnah, pero halata sa boses niyang hindi rin siya komportable. “Wait,” sabi ni Dwayne at huminto. “Narinig niyo iyon?” Tumahimik kaming lahat. May tunog. Parang… humahaplos na hangin, pero galing sa ilalim. “Baka hayop lang,” sabi ko, pero ramdam ko na rin iyong kilabot sa batok ko. Biglang lumiwanag ang paligid… hindi dahil sa ilaw, kundi dahil sa mga alitaptap na sabay-sabay sumulpot. Grabe! Literal na ang dami nila. Tapos, sabay-sabay din silang nawala. At bago pa kami makagalaw, biglang lumambot ang lupa sa paanan namin. “Zoraya!” sigaw ni Rizza. Hinawakan ko iyong kamay ni Dwayne pero mabilis siyang nadulas. Si Ali ay napasigaw. Habang si Yunnah ay natahimik. Sina Ashley, Jhoezen, Denise, Arielle at Arkisha ay humawak din sa akin pero pareho kaming nahulog. Lahat kami, sabay-sabay bumulusok pababa. At sa pagkakataong iyon, kita ko kung paano akong binitiwan ni Dwayne at niyakap niya si Jeanna para protektahan. Habang parang panaginip na bumubulusok kami, hindi ko maramdaman ang sarili ko. At bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko si Arkisha, mahina ang boses niya pero malinaw: “Hindi ito iyong resthouse na inakala ko…” Third Person POV A Day Before the Trip… Zoraya’s room was filled with the smell of lavender and roses. Larawan ng isang marangya at napakaayos na silid. Her books are stacked by subject, clothes arranged by color. Mayroon ding planner na nakabukas sa tabi ng hindi naubos na chamomile tea. The glow of her desk lamp softened her sharp features as she folded the last of her white blouses with precise care. Kasunod niyon ay may kumatok sa kuwarto niya, bago bumukas iyon. Her mom leaned on the doorway, crossing arms while smiling. “Hindi ka pa ba matutulog, anak? Maaga ka pa yata bukas.” “Five minutes lang, Ma,” magalang na tugon ni Zoraya, inaayos pa ang pagkakatupi ng damit niya. “Gusto ko lang siguraduhin na kompleto na lahat ang gamit ko… sunscreen, meds, wipes…” She hesitated, smiling. “At ang planner ko, siyempre.” Her mother chuckled. “Wala ka talagang bakasyon sa pagiging organized, ano?” “Wala, Ma,” mahinang sagot niya na sinundan pa ng tawa. “Sige, maiwan na kita at maaga rin ang flight namin ng Papa mo papuntang Cebu bukas,” paalam nito sa kaniya. “Ma!” pahabol na tawag ni Zoraya at lumapit sa ina. “Thank you so much for everything.” Yumakap pa siya rito kaya napangiti naman ito at marahang hinagod ang likod ng ulo niya. “My only daughter,” komento pa nito. Pagkaalis ng Mama niya ay tumunog ang cellphone niya. The group chat, Kangkong Squad. Dwayne had just sent a photo of snacks and beer lined up like soldiers. Dwayne: Kapag may magdala ng planner sa bundok, itatapon ko iyan sa ilog. She rolled her eyes, typing back something sarcastic, but she smiled after. For a second, she allowed herself to feel excited… the kind of excitement that comes when you know tomorrow might change something in you. Me: @Dwayne, ungas, ikaw ang ipakakain namin ni Arielle sa buwaya. Natawa siya sa sarili niyang joke at sunod-sunod na rin ang ha-ha react sa reply niya. Pagkatapos niyon ay naging maingay na naman sa biruan ang GC nila. “Aya?” Napaangat siya ng mukha nang marinig ang boses ng Kuya Zulan niya. Looking so handsome and hunky as always. Nakasuot ito ng kulay yellow na shorts at puting sando. Kitang-kita tuloy ang matitipunong balikat at dibdib nito. “I heard our baby will be having a vacation…” nakangiting sabi nito. Pagkatapos ay parang manika siyang binuhat at pinaupo sa kandungan nito kaya napatili siya. “Kuya, ano ba! Hindi na ako bata!” napahagikgik pa siya at mahina nitong hinampas sa balikat. “I could see that… you’re a grown beautiful woman now, my Zoraya…” makahulugang sambit nito kaya napalunok siya. Saglit na nagtagpo ang mga titig nila at biglang natahimik ang paligid. Ngunit bago pa lumalim ang tensyon ay dumating na rin ang dalawang kuya pa niya na sina Zaivan at Zayron. Just like they used to, they bond together happily. Sa kabilang banda, ang kuwarto naman ni Dwayne ay parang post-apocalyptic scene. Nakakalat ang mga damit niya, ang mga wire ng charger, laptop at kung ano-ano pa ay parang nakakandabuhol sa ibabaw ng mesa. A basketball under the bed was being played by the gray cat. He was in the middle of chaos, searching for his ‘lucky hoodie’, shouting across the house. “Mom, nasaan iyong black hoodie ko?” “Pinalabhan ko!” his mom shouted back from the kitchen. “Amoy gym na, anak!” “Mommy naman! Suwerte iyon, eh!” “Why is my son shouting like a kid?” Napasinghap siya nang biglang marinig nag boses ng Daddy niya sa labas. Sa sobrang saya niya ay binitiwan ang lahat ng hawak at parang bata ngang tumakbo palabas. “Dad!” bulalas niya at yumakap dito. “I miss you, Daddy!” halos maiyak na sambit niya. Ilang beses lang sa isang taon nila nakakasama ang Daddy niya. At tanggap na niya kung bakit. Because his mom is a mistress. Their family composition is wrong, but still he’s glad that his mom chose to give birth to him instead of killing him in her womb. “I miss you, too, son… I am so sorry for being like this,” malungkot na sagot ng Daddy niya. “Wala ng drama. Sulitin natin na nandito ang Daddy mo. Kain na tayo!” tawag naman ng Mommy niya sa kanila. Pinanood niya kung paano nilapitan ng Daddy niya ang Mommy niya saka mainit na hinalikan. It was a wrong relationship… and the affair already lasted for twenty two years. Hinayaan muna niya ang mga magulang at binalikan ang cellphone sa kuwarto niya. Marami nang chats doon pagkatapos niyang asarin si Zoraya. Ali: “Bro, @Dwayne magdala ka ng flashlight. Huwag puro jokes. Dwayne: @Ali Sige. Ayaw ni’yo pa kasing aminin. Ako talaga ang ilaw ng barkada. He smirked as he typed it, but as the laughter faded, a quiet thought lingered. He wondered, not for the first time, if people would still like him if he stopped being funny. If he stopped being the life of the group, would anyone still look his way? Si Denise naman ay nag-aayos na rin ng mga gamit niya. She was kneeling by her bed, organizing her pastel backpack… snacks, wipes, first aid kit, portable fan. Pakanta-kanta pa siya ng Golden kaya napapangiti na lang ang Mama niya na nakaupo sa tabi ng bintana. “Siguraduhin mong may jacket ka, ha,” paalala pa nito pero nakatutok ang mga mata sa pinapanood sa CP niya. “Malamig daw sa Quezon.” “Meron po, Ma,” sagot ni Denise at ngumiti rin. “Iyong beige, dadalhin ko rin. At power bank, tapos wipes–” Her mom laughed softly. “Talagang wipes agad ang priority mo.” Denise giggled. “Kailangang prepared ako sa kalat ng Kangkong Squad, Ma. Kilala mo naman ang mga iyon.” She checked her phone. May chat si Rizza sa kaniya. Rizza: Bes @Denise, magdala ka ng Band-Aid, ha. Alam mo naman si Ali, laging sugatan ‘pag naglalakad” Denise: @Rizza Copy. Nurse mode activated.” She smiled, placing her phone face down. She loved them… her chaotic, unpredictable friends. Basta sila ang kasama niya, parang ang gaan-gaan ng lahat. On the other side, the Sanford mansion was too quiet. The kind of silence that could make your thoughts echo. Nakaupo si Arielle sa may balcony at dino-drawing iyong papalabas na buwan. The only sound was the faint ticking of the grandfather clock outside her room. Maya-maya lang ay may kumatok sa silid niya kaya nahinto siya sa ginagawa. Sumilip sa may pintuan ang Tita niya. “Bukas na ba iyong bakasyon ninyo sa Quezon?” tanong nito. She nodded. “Just for a few days, Tita.” Ngumiti ito sa kaniya. “Good. Alam kong sobrang stress ka sa school nitong mga nakaraan araw.” “Salamat po, Tita… sa lahat-lahat,” seryosong pahayag niya. Tila naluluha namang hinaplos ng Tita niya ang pisngi niya. “Wala iyon, hija… para na kitang anak, kaya sa iyo na umiikot ang mundo ko.” nagyakapan silang dalawa na parehong dinadama ang init ng pagmamahal para sa isa’t isa na parang totoong mag-ina. Sa kuwarto naman ni Ashley, nakaupo siya sa maliit niyang kama habang nakaharap sa camera. Naka-live siya ngayon sa account niya. “Okay, guys,” she said cheerfully, “so I’m packing for Quezon! Don’t judge me if magdala ako ng tatlong swimsuit kahit isa lang siguro ang magagamit.” Pero pinatay niya agad iyon nang pumasok ang Mama niya. “Anak, kailangan mo ba talagang pumunta riyan? Sayang pa kasi ang kikitain natin kung sasamanahan mo ako sa–” “Ma, naman, eh!” maktol niya agad. “Ngayon lang po ako makakapag-relax. Pagbigyan niyo na po ako…” Bumuntong-hininga ang Mama niya. “Saan ka naman kukuha ng pera na gagastusin mo riyan?” tanong pa nito. “May konti lang po akong itinabi, Ma,” kabadong sabi niya kasi baka hingiin na naman nito iyon. Pero nakahinga siya ng maluwag nang tumayo na ito at binilinan na lamang siyang mag-ingat. Ang akala niya ay mangungutang na naman siya kay Yunnah kapag hiningi ng Mama niya ang natitira niyang pera. Sa mansion naman nina Yunnah, nakalatag na lahat ng designer clothes na hindi naman niya gustong suotin. Her mother’s voice echoed from the hallway. “Yunnah, are you sure you’ll be fine without the driver? You know how far Quezon is.” “I’ll be with friends, Ma,” tugon ni Yunnah maingat na isinisilid ang gamit sa maleta. “Ilan sa kanila ang marunong mag-drive kaya keri na po namin iyon.” Her mother paused by the door. “Friends?” she said, with mild surprise. “Kung sino-sino kasing kinakaibigan mo kaya inilalayo ka sa business world.” Napabuntong-hininga si Yunnah pero pilit pa ring ngumiti. “Yes. Iyong mga kaibigan po na tanggap ako hindi dahil sa apelyido ko.” Umismid lang ang Mommy niya bago lumabas ng silid. Mabigat na nagbuga ng hangin si Yunnah. She whispered, “It’s so great to have a break from all these!” Sa silid naman ni Jeanna Madrigal ay puno ng ingay ng malakas na music galing sa speaker niya. She danced around her room, throwing clothes into her suitcase like it was a fashion show. “Black dress, white top, pink shades… okay, kailangan ko ba ito? Yes, kasi cute ako.” Her phone rang. It was Ashley. “Jeya, huwag mong dalhin ang buong closet mo, ha. Baka hindi tayo magkasya sa van nina Yunnah!” “Girl, excuse me? Hindi ako nag-e-effort para maging average.” “Wala namag magsusukat doon!” “Hindi mo sure iyan. Baka may guwapong tagabundok ang mabangga ko doon!” They both laughed until Jeanna suddenly stopped talking. Her reflection in the mirror caught her attention. She stared at herself… pretty, yes. Happy, maybe. She touched the small silver necklace around her neck… a gift from one of the exes who broke her trust. “Walang space sa drama bukas,” she whispered. “New place, new Jeanna.” Sa bahay naman nina Rizza ay maririnig ang boses ng kapatid niya habang tumatawa. Nanonood kasi ito ng cartoons sa TV. Ang nanay niya ang nagtutupi ng mga damit na dadalhin niya. “Ma, ako na diyan,” sabi ni Rizza at inabot ang natuping puting t-shirt. “Hay, naku, scholar ka nga pero hindi ka marunong magtupi,” biro pa ng Mama niya. Nagkatawanan tuloy sila. Pagkatapos ay ipinakita ng Papa niya ang isang baunan na kulay pink. “Maaga akong magluluto ng adobo bukas, anak, para may baon ka. Baka puro junk food ang kakainin mo roon. Kayo pa namang mga kabataan kung ano-anong mga nauusong pagkain ang gusto.” Rizza grinned. “Thanks, Pa. pero don’t worry po, hindi rin naman mahilig sa mga ganoon ang mga kaibigan ko.” “Eh, anak… karamihan sa mga kaibigan mo ay mayayaman… hindi ka ba nao-OP sa kanila?” bakas ang pag-aalala sa tono ng Mama niya. Pero nginitian lang niya ito. “Ma, iba-iba ang personality nila, pero wala pong matapobre sa kanila. Mabubuti silang mga tao kaya huwag po kayong mag-alala,” paniniguro niya. She looked around their tiny house. Her heart was full despite its smallness. Si Jhoezen naman ay patapos na sa ginagawa. Her mother peeked in. “Sigurado ka bang okay lang na umalis ka, anak? Paano iyong kapatid mo?” “Pinagpaalam ko na po kay Ate Tess. Siya muna ang bahala,” nakangiting tugon niya. “Magpahinga ka rin minsan,” malungkot na sabi ng Mama niya. “Hindi puro aral at trabaho.” Tumango naman siya agad. “Kaya nga, susulitin ko na itong isang linggong bakasyon na walang stress, Ma!” “Okay…” sabi lang nito at iniwan na siya. Bumuntong-hininga pa si Jhoezen habang tinitingnan ang picture nilang buong pamilya sa maliit na frame. “Makakaahon din tayo balang-araw,” bulong niya saka malungkot na ngumiti. Panghuli sa magnbabarkada si Arkisha. Her room looked like a magazine spread… organized chaos of elegance. She stood in front of her mirror, brushing her hair, her jewelry glinting faintly under the light. “Arkisha, I hope this trip won’t get you in trouble.” She looked at her reflection and smirked. “Define trouble, Dad.” “You know what I mean.” Nagbuga pa ito ng hangin. She laughed lightly and zipped her Louis Vuitton bag shut. “Don’t worry, I’m not that girl anymore, Dad.” But when she opened her drawer and saw an old photo of her with a bottle in one hand, eyes red from crying, she tore it in half and whispered, “Not anymore.” By midnight, the city had grown quiet. Across different homes, from mansions to cramped apartments, the Kangkong Squad finally settled down, excited for tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD