Idinilat ko ang mata ko at nakita ko yung mga taong alam ko naman na nasa tabi ko kapag may nangyayari sa kin. Si Ms Art, Justin, Andrei, Jeydon pati si Mark na kakadating lang nandito din pero sa pakiramdam ko parang may kulang. Namimiss ko na si Ana. Kailan kaya ang balik nun? "Alice mabuti naman at nagising ka na" sabi ni Justin. Kitang kita ko sa mukha nya ang pag aalala. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman si Andrei na naka-upo sa couch habang nakikinig sa music hay.. Ano bang expected ko savkanya wala naman pakialam yan eh. Hinawakan ko yung ulo ko dahil may kakaiba akung nararamdaman. Alam kung naka dilat parin ako pero parang onti onting nag dilim at sa isang kurap pati sarili ko hindi ko na makita. Nakaramdam ako ng takot kung ano anong pumapasok sa utak ko na naka

