Nagising ako ng kumakalam ang tiyan dahil hindi pangapala ako kumakain,kayat dali dali akong bumangon at pumunta sa cr para maghilamos at mag sipilyo,nang matapos ay lumabas nako at naabotan ko itong nakatalikod at nagluluto hindi ko mapigilang mapatitig dito dahil sa malapad nitong likod.
"Tapos kana bang titigan ako" ani ni ivan ng hindi ko namalayang nakaharap napala ito
"excuse me,ikaw tititigan ko kapal naman ng abog mo" aniko na nakataas ang isang kilay
"okay,sabi mo yan eh" ani ni ivan at pinagpatuloy na ang paghahain kaya naglakad nadin ako papalapit dito at umupo
POV:Ivan
Diko mapigilang tumitig dito habang kumakain dahil bakat na bakat ang hugis ng katawan nito dahil tanging sando at cycling short ang suot nito.
At nang matapos ng kumain ay niligpit kona din ito at umakyat na sa kwarto namin
,naabotan ko itong nakahiga patalikod sa akin habang yakap ang isang una,kaya't pinagpatuloy kona lang ang paglalakd at kumuha ng damit para magbihis.
Humiga ako sa katabi nito at ramdam ko ang malalim na paghinga nito kahit na nakatalikod ito sa akin,tumalikod nalang din ako at pinikit ang mata para makatulog.
POV:Anya
Naramdaman ko ang pag lubog ng kama hudyat ng paghiga nito kaya't diko mapigilan ang mapahinga ng malalim dahil ito ang kaunahang may makakatabi ako sa pagtulog at ang malala pa ay lalaki.
pumikit nalang ako at natulog na
nagising ako sa kalagitnaan ng aking pagtulog ng may maramdaman ako mabigat na nakapatong sa aking tiyan kaya't agad kong iminulat ang aking mata at don ko na kitang si ivan pala ito sandali ko itong pinagmasdan at saka bumalik sa pagkakatulog.