Alastres na nang madaling araw ng maka uwi ako galing sa trabaho at dahil na rin siguro sa pagod ay agad akong nakatulog.
Nagising ako ng may tumamang araw sa aking mukha at mabilis akong bumangon dahil naalala kong may lakad nga pala kami ngayon ni micah dahil nagpapasama siya saakin sa pumuntang mall dahil binili siya ng regalo para sa pamangkin niya.
"Hala beh ang ganda nito ohh ano sa tingin mo magugustohan kaya ni hailey ito" saad ni micah
"Siguro"tanging naisagot ko dahil wala talaga ako sa mood ngayon
"Alam mo ang kj mo, at alam mo may napapansin din ako sayo nitong mga nagdaraang araw para kasing blooming ka,ano naisuko naba ang kabataan.." saad ni mocah sa seryosong boses at nakataas pa ang kilay
"alam mo guni guni molang yan kaya mo nasasabi ang ganyang bagay" aniya ko na kinakabahan dahil sa sinabi ni micah
"okay sabi mo ehh" aniya ni micah at sinimulan ng lumakad uli
Nagkibit balikat nalang ako at sinundan nalang siya.
At nang matapos na kaming mamili ay agad akong nag aya na kumain muna bago umuwi dahil diko na talaga kaya ang gutom.
Nandito kami ngayon ni micah sa isang resturant dahil ito lang ang pinaka malapit na pwesto.At habang nag iintay ng order ay iginala ko muna ang aking paningin sa palagid at laking gulat ko ng makita ang isa sa mga tauhan ni dad noon,at dahil narin sa takot na baka makita siya nito ay agad niyang niyaya si micah na sa iba nalang kumain.
kahit naguguluhan si micah sa inaakto ng kanyang kaibigan ay sumama na lang ito dito.
"hoy beh okay kalang ba?bat parang namumutla ka,at syaka bat pa tayo umalis doon eh naka order na tayo sayang naman iyon" aniya ni micah
"Ahh oo okay lang ako,sadyang diko lang gusto ang pagkain doon" aniya ko habang hinihingal
"tsskkk" rinig niyang sabi ng kanyang kaibigan
At napa baling ulit ako sa pwesto namin kanina para sana tignan kong nandoon pa ang tauhan ni dad ngunit wala na ito sa pwesto niya kanina,nag kibit balikat nalang ako at tumingin ulit sa katabi kong panay ang kuha ng litrato.
At nang matapos na ay agad naman kaming umuwi.5 na nang hapon makarating ako dito sa apartment na inuupahan ko at dahil sa tindi ng pagod ay dumiretsyonako sa aking kwarto para mag pahinga at lumipas ang ilang minuto ay bumigay narin ang tuklapan ng aking mata.