“Boys want flowers too, you know.” Napatingin kami ni Silvia sa isa't-isa bago humalukipkip. Sa harapan namin ay si Sydney na ngayon ay nagmamataktol dahil wala siyang bulaklak na natanggap mula kay… Sylvester. Yesterday ay nagkaayos naman kami ni Sylvester kaagad. Hindi naman mahirap suyuin si Sylvester ang totoo ay mas marupok pa nga iyon kesa kay Albie na bakla. Pilit kong kinakalimutan ang mga sinasabi ni Sylvester sa kung sino man ang katawagan niya kahapon. For sure, sinabi niya lang iyon out of concern dahil alam niya lahat ng pinagdadaanan ko sa mga kamay nina Jordan at Nicole. Hindi ko mapigilang kilabutan dahil sa lamig ng kanyang boses—of course, iyon ang unang beses kong narinig ang malamig niyang boses sa loob ng ilang taon naming pagkakila. “Oh, baby boy, boys shoul

