One thing about mothers is they’re willing to kill whoever who wronged or hurt their children. Nag-aapoy ang galit sa loob ko habang nakikinig ako sa mga pulis na ikinukuwento ang mga nangyari sa aksidente. Hindi—hindi ito aksidente. May sinadyang bumangga sa anak ko. Bawat salita nila ay parang punyal na tumatarak ng mas malalim sa dibdib ko. "Hindi ito aksidente, ma'am. Tinarget talaga ng sasakyan ang anak niyo," kumpirma ng isa sa mga pulis, malamig at propesyonal ang boses, pero kita ko ang awa sa mga mata niya. Kinuyom ko ang mga kamao ko nang sobrang higpit hanggang bumaon ang mga kuko ko sa palad. May nanakit sa anak ko, at titiyakin kong pagbabayaran nila 'to. Ito ang dahilan kung bakit tinago ko ang pagkakakilanlan ko sa mundo ng negosyo. Alam ko kung gaano kalupit ang mga tao,

