"Gregorio," madilim na wika Kazimir. Umigting ang kaniyang panga habang nakatingin ngayon kay Gregorio. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit dinadamay niya ang kaniyang anak kahit na wala naman itong kasalanan. Saka hidni niya rin maintindihan kung bakit siya galit na galit sa kaniya kahit na ang angkan naman ni Gregorio ang pumatay sa kaniyang mga magulang. Ngumisi lalo si Gregorio habang nakatingin sa lalaking kinamumuhian niya. "Mabuti naman at nahanap mo na ako, Kazimir." "Shut the fck up!" sigaw ni Kazimir. "Wala akong time para makipag chismisan pa. Ibigay mo sa akin ang anak ko. Labas siya sa ganitong bagay." Natawa nang malakas sina Gregorio at Felix dahil sa kanilang narinig. Sino ba ang hindi matatawa sa ganoong bagay? Kazimir is known for being ruthless tapos ganito ang m

