Napahawak ako sa aking balakang nang makaramdam ako ng pagkangalay. Hilig niyang gawin iyon sa kusina! Alam niyang hindi ako comfortable sa ganoong posisyon pero siya itong sige nang sige. Sabi kong sa kuwarto na lang kami dahil marami namang kuwarto rito pero ano ginawa niya? Sa kusina pa rin! Lumingon siya sa akin habang siya ay nagpi-prito ng patatas na ginayat niya kanina nang matapos kami. Lumitaw pa ang ngisi sa kaniyang labi pero inirapan ko lang siya. Ang lakas niya mag-aya porket wala na ang mga chef at kaibigan niya rito? "Ano ba ang nginingisi-ngisi mo?" mataray na tanong ko sa kaniya. Porket wala akong nagawa nang gawin niya iyon sa akin, ngingisi na siya? "Nothing. Bawal bang ngumisi?" saad niya bago lingunin ulit ang piniprito niyang patatas. Naka-topless lang siya n

