Sino ba talaga?

488 Words
Marga : Be, nakipag hiwalay na ako kay Andrew. Marizen : Bakit ate? gusto ko si kuya andrew para sayo. matalino at mabait. Ano pa bang hahanapin mo ate? Marizen Natividad, ito ay pangalawang kapatid ni Marga. 4 na taon ang agwat nito sa kaniyang ate. Marga : Ewan ko be, parang may kulang. Hindi ko maintndhin. Bumalik nga siya, pero parang iba ang hinahanap ng puso ko.. Marizen : Si Kuya EJ ba ate? anong nagustuhan mo sa kaniya ate? Marga : Mabait din naman siya be. masaya ako kapag kausap ko siya, kapag magkasama kami, masaya ako be. Marizen : kung saan ka masaya ate, susuportahan kita. Naging mag kaibigan naman muli si EJ at Marga pagkatapos mag hiwalay ng mga ito. Palagi silang magkasama, minsan ay tumatambay ang dalaga kasama ang binata. Minsan naman ay lalabas sila upang kumain sa lugar nila. Minsan naman ay pumupunta ang binata sa kanila at dito ito tatambay sa harapan ng kanilang bahay. Masaya ang dalaga sa tuwing magkasama sila ni EJ. Alam niyang ito ang hinhintay niya. Alam niyang meron na din siyang pag tingin sa binata, na dati ay hindi naman niya nararamdaman. Lumipas ang mga araw.. EJ : Ris? Tara samba tayo. Ris : Di ako makakasamba ngayon bro, may lakad ako ngayon. Bukas pa ako bro. Nakikinig lang ang dalaga sa kanilang usapan. at bigla itong nagsalita. Marga : Tara Ej? Sama ako. Ris : Oh bro? Si Marga sama daw siya. Kayo na lang dalawa bro para may kasama ka. Marga : Okay lang ba Ej? EJ : Okay lang naman sakin. Marga : Osige Ej, tapusin ko lng ito at maliligo na ako. Hintayin mo ko. At naghintay naman ang binata. Umalis na sila... Pagdating sa Kapilya at nasaraduhan na sina Ej at Marga. Umupo muna sila sa may balkonahe ng nasabing kapilya.. Nagkwentuhan ang dalawa, hanggang sa mag dilim na. Pauwi na ang dalawa, na may magtext sa binata. Hindi ito pinapansin ng binata, dahil kasama niya ang babaeng lihim niya pa ding iniibig.. Marga : Sino yan? Girlfriend mo? sagutin mo, baka magalit na magkasama tayo ha. EJ : hindi yan, okay lang. hayaan mo siya. at umuwi na nga ang dalawa, ngunit ang binata ay dumiretso pa kila Marga upang tumambay muna kasama ang mga kaibigan nito. Lumabas din si Marga upang makipag kwentuhan sa kaniyang mga kaibigan. Tumutunog na naman ang cellphone ng binata, tumatawag ang sinabi ni Ej na girlfriend niya, pero nakipag hiwalay na pala dito ang binata nung muling nakasama ang dalaga.. Hinablot ni Marga ang cellphone ng binata. Marga : Hello? Sa kabilang linya : Sino to? Marga : Girlfriend to ni Ej, sino ka? At binaba ng nasa kabilang linya ang tawag nung sinabi ni Marga na girlfriend siya ni Ej. Ikinakilig naman ng binata ang sinabi ni Marga sa kaniyang Ex-girlfriend.. Nagsimula na ulit maging malapit sa isa't isa si Ej at Marga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD