Pagkatapos nito ay tumayo na si Markle mula sa upuan ng dalaga. Nakapamulsa itong nagtungo sa kan’yang mesa. At nang makarating na ito sa kan’yang destinasyon, tinawag n’ya ang kan’yang sekretarya at agad naman itong lumapit sa kan’ya.
“Take this as well. Ito ‘yung planner na ginagamit ni Jasper dati. Makikita mo r’yan ‘yung mga contact informations ng mga close business partners ko, mga kaibigan, pamilya at ibang acquaintances. Maari mong i-save sa phone mo ang mga numbers nila upang madali mo silang ma-contact kung kinakailangan.”
“Okay po, Sir Markle.”
Dahil dito ay napalitan ang kaba sa dibdib ng puso ni Mytha ng tuwa. ‘Di n’ya aakalaing sa unang araw n’ya pa lang ay magiging ganito na ang pakikitungo sa kan’ya ng kan’yang amo.
Maya-maya’y biglang nataranta ito. May hinahanap ito sa kan’yang mesa na ‘di nito makita.
Agad na naalala ng dalaga ang mga papel na kan’yang niligpit.
“Hinahanap n’yo po ba ‘yung mga scratch paper na nakapatong po sa mesa ninyo kanina?”
Makle immediately shoots his eyes at Mytha, wondering how she’s able to figure out what he is thinking.
“Did you take it?!”
Biglang napatalon sa kan’yang kinatatayuan ang dalaga dahil sa pagsigaw sa kan’ya ng boss. Sa kan’yang pagkagulat ay naghalo-halo ang kan’yang nararamdaman.
“Y-yes, S-sir,” sagot nito na nanginginig ang labi.
Napansin ito ni Markle, at bigla s’yang nakaramdam ng guilt dahil naiiyak na si Mytha at naninigas sa kan’yang harapan.
Bigla namang may tumunog sa kinaroroonan ng malaking portrait. At ilang segundo pagkatapos nito, bumukas ang elevator door. Lumabas mula rito ang isang magandang babae na parang naka-hooker dress dahil sa sobrang ikli ng damit na halos kita na ang singit.
Nang nakita nitong nagagalit si Markle ay bigla itong lumuhod at pumusisyon na parang aso.
Si Markle naman, biglang tumayo at ‘di pinapansin si Mytha. Nilapitan nito ang babaeng kararating lang sabay hinablot ang braso nito.
“Put the papers back on my table and don’t let anyone come in.”
Biglang nanginig si Mytha nang makita ang expression sa mukha ng kan’yang amo.
Sobrang iba ito kesa kanina. His eyes begin to darken as if he is planning something sinister. This expression sends shivers up Mytha's spine, and she is terrified.
Mabilis n’yang iniwas ang kan’yang tingin sa amo sa takot na baka mas lalo itong magalit.
‘Di nagtagal ay pumasok na si Markle sa loob ng silid kasama ang babae. Narinig din ni Mytha kung paano nito ni-lock ang pinto.
Ang dalaga naman, dahan-dahang naglakad pabalik sa kan’yang mesa. Halos ‘di n’ya na maramdaman ang tibay ng kan’yang tuhod sa pagkatakot.
Agad ding nanuyo ang kan’yang lalamunan at muli s’yang pinagpawisan.
Gamit ang nanginginig na mga daliri, inisa-isa n’yang kinuha ang mga papel na kan’yang niligpit mula sa mesa ni Markle.
Akmang tatayo na sana s’ya pero ‘di n’ya maramdaman ang kan’yang paa. Parang biglang nawala ang lakas ng mga ito nang masaksihan ang kakaibang bahagi ng kan’yang amo na kailanman ay ‘di n’ya inakala.
‘Di nagtagal ay bigla na lang may kung anong kalabog mula sa kwarto. Dahil dito ay lumakas ang naging pagtibok ng puso ni Mytha at unti-unti s’yang binabalot ng pawis kahit pa man sobrang lakas na ng aircon.
Minadali n’yang binalik sa ibabaw ng mesa ni Markle ang hinanap nitong mga papel at imbes na dumiretso sa kan’yang mesa, nagtungo muna ito sa may counter sa tapat ng pinto ng kwarto upang uminom ng tubig.
Mula sa distansyang ito, napansin ng dalaga na parang may nabubulunan mula sa loob habang umuungol. Rinig na rinig n’ya ito dahil may kaunting gap sa ilalim ng sahig kung saan lumalabas ang ingay.
Kaya naman, binilisan ng dalaga ang kan’yang kilos sa takot na baka isipin ng kan’yang amo na namboboso s’ya o nakikiusyuso sa ginagawa nito.
Akmang aalis na sana s’ya nang biglang sumigaw ang babae na sinusundan naman ng malakas na tunog ng paghampas.
Nag-aalala si Mytha para sa babae dahil para itong nasasaktan.
“Harder!!! Harder!!!” ungol ng babae mula sa loob. Dahil dito ay nasamid ang dalaga sa tubig na kan’yang iniinom. Kamuntikan na nga itong lumabas sa kan’yang ilong.
Nais n’yang umubo pero sa takot na baka marinig s’ya ng mga tao sa loob ay pinigilan n’ya na lang ang kan’yang hininga habang kinakabog ang dibdib gamit ang kamao.
Maya-maya’y biglang nawala ang sigaw at pag-ungol ng babae na para bang tinatakpan ang bibig nito.
Nagimbal ang mundo ng dalaga. Pakiramdam n’ya ay naligaw s’ya ng landas. Matapos uminom ay iniwan n’ya ang kan’yang baso sa ibabaw ng counter at padagan na nagtungo sa kan’yang mesa.
Masyadong marami ang nangyari sa unang araw n’ya sa trabaho. Masyadong namulat ang kan’yang inosenteng kaisipan sa mga bagay-bagay.
Nais n’yang iwaksi sa kan’yang isipan ang mga narinig at naiisip pero pilit itong bumabalik sa kan’ya.
Nagulat din s’ya sa naging reaksyon ng kan’yang katawan kaya naman, muli s’yang pumasok sa loob ng CR at dito n’ya napansin ang paninigas ng kan’yang ut0ng. Para ring may kumikiliti sa kan’yang hiwa at nais n’ya itong mawala.
Pero ‘di n’ya alam kung papaano kaya naman, inipit n’ya na lang ang kan’yang mga hita hanggang sa dahan-dahang humupa ang pagkibot nito.
Matagal s’yang nagkulong sa CR. Because it is the only place in the entire office that can spare her from hearing all the wailing and moaning.
It was very unprecedented isolation but for her, it is the best place to disassociate herself from reality.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay lumabas na rin s’ya mula rito at tahimik na bumalik sa kan’yang mesa.
Napansin n’ya rin na tuluyan nang naglaho ang ingay mula sa silid kaya napabuntong-hininga na lang s’ya.
Maya-maya’y biglang bumukas ang pinto ng silid, kaya agad s’yang napatayo.
Nagulat na lang s’ya nang dahan-dahan naglakad ang babae palabas at panay ang pagkapit sa mga madadaanan na para bang nanlalamya ito ng husto at pagod na pagod. Nakahawak naman ang isa nitong kamay sa kan’yang puson at ang expression nito sa mukha ay ‘di maipinta.
Nais sana itong lapitan ni Mytha pero natatakot s’ya na baka muling magalit sa kan’ya ang amo.
Uugod-ugod na nagtungo ang babae sa kinaroroonan ng elevator at sobrang paunti-unti ng kan’yang bawat na hakbang. Napapangiwi itong humahawak sa kan’yang puson.
Nang tuluyan nang makaalis ang babae ay ang s’yang paglabas naman ni Markle mula sa kwarto. Para itong naligo ng pawis. Dala-dala ang kan’yang black coat ay hinihingal itong umupo sa kan’yang upuan.
Napasandal ito at nagsimulang tumitig kay Mytha.
Ang dalaga, biglang iniwas ang tingin sa kan’yang amo. Naging sukdulan din ang naging pagtibok ng kan’yang puso.
Muli na naman s’yang nauuhaw dahil panay ang kan’yang paglunok.
“I want water, Mytha,” pag-uutos ni Markle kaya padagan na nagtungo muli sa counter ang dalaga.
Nanginginig s’yang kumuha ng tubig at panay rin ang pagpunas n’ya ng kan’yang pawis sa mukha.
Nang inaabot n’ya na ito kay Markle, mabilis na nilipat ng binata ang mga folder sa takot na baka matapon ang tubig na dala ng dalaga sa sobrang tindi ng panginginig nito.
Agad na hinawakan ng binata ang pulso nito habang ang isa naman n’yang kamay ang kumuha sa baso na may lamang tubig sabay ininom.
Mas lalong nang-init ang batok ni Mytha nang maramdaman ang mainit at malaking kamay ng kan’yang amo na nakahawak sa kan’ya.
Matapos nitong uminom ay binalik ni Markle ang baso sa kamay ng dalaga at bago ito binitawan ay may sinabi s’ya rito.
“Next time, don’t take anything on top of my table without my knowledge. Am I understood, Mytha?” sabi nito na unti-unting bumalik ang bait sa kan’yang mga mata.
“Y-yes, S-sir,” sagot naman ng dalaga na kulang na lang ay umusok ang taynga dahil walang mapaglabsan ang init ng kan’yang katawan.
Pagkatapos nito ay bumitaw na si Markle sa pagkakahawak sa kan’ya.
“You need to get used to this kind of situation. If you can’t take it, my door is still open for you to leave.”
Napatitig ng unti-unti ang dalaga sa kan’yang amo. Sinusuri n’ya ang katotohanan sa mga mata nito. Napakunot din ang kan’yang nuo dahil sa sinabi nito.
“S-still? W-what d-do y-you m-mean by t-that, S-sir?”
Biglang tumayo si Markle at dahan-dahang lumapit kay Mytha.
Sa sobrang lapit ay ramdam na ramdam n’ya ang paghinga ng kan’yang boss sa kan’yang mukha. Napapikit na lang s’ya habang ninanamnam ang bangong parang may halong mint.
"If you continue to stay after witnessing what just happened, I will never allow you to leave your position as my secretary again," he threatens the woman in front of him.
Muling minulat ng dalaga ang kan’yang mga mata at unti-unting tumingala. Dito nagtagpo ang kanilang mga titig ni Markle.
‘Di n’ya alam kung ano ang nangyayari, kung normal lang ba ito o hindi. Pero kahit na ganun ay hinayaan n’ya lang ito.
Maya-maya’y biglang yumuko si Markle.
He moves closer to her ear and then after a while, using his salacious and seductive voice he declares, “Beginning today, you will become my slave. And you will answer to my will.”
Mytha tilts her head to one side, away from Markle's tingling breath, which sends shivers down her spine.
They stood there, sensing each other's breaths but not touching. It was a tense moment that only the two of them were aware of.