The cold breeze of the early morning wind sends shivers down Mytha's spine as she walks towards the entrance of the company building with which she is officially affiliated to.
She sashays inside, a smile on her face, wearing one of the new outfits she purposefully purchased at the mall. On her shoulder is also the new bag she procured, which cost more than the ostensibly planned budget.
Muli n’ya namang nakita ang babaeng masungit at maldita na naka-assign sa may information desk sa may bandang entrance. May mga lalaking nakapaligid dito at mapapansing nakikipagharutan ito.
Nang nahagip ng gilid ng mata nitong nakatingin sa kan’ya si Mytha ay agad n’ya itong inirapan. Bunsod dun, napalingon sa direksyon ng dalaga ang mga lalaking nakapaligid sa babae.
Maya-maya’y nagsitayuan ang mga ito at hinay-hinay na lumapit sa dalaga. Napanganga na lang ang babae sa may information desk dahil ‘di s’ya makapaniwalang iniwan s’ya ng kaharutang mga lalaki na mag-isa at nagmumukhang tanga.
Si Mytha, agad namang binilisan ang kan’yang paglalakad hanggang sa makaabot na s’ya sa may elevator foyer.
“Hi, Miss,” nakangiting bati ng isang lalaki sa may gilid ni Mytha. Inabot nito ang kan’yang kamay sa dalaga. Pero nagkunwari si Mytha na ‘di n’ya ito napapansin.
“Hi, Miss Beautiful,” waring naman nung isa na sobra sobra ang pagka-confident.
“Hey, do you need help?” sabi naman nung isa at akmang kukuhanin sana ang bag ng dalaga upang s’ya na ang magdala pero ‘di ito binigay ni Mytha.
“Tumabi nga kayo d’yan! Inaabala n’yo si Miss eh,” mapagkunwaring saad naman nung isa na naka-eyeglass at medyo mapaghahalataang nasa lagpas kuwarenta na ang edad.
Marahas n’yang tinulak ang mga mas nakababatang lalaki na umaaligid kay Mytha sabay inabot ang kamay at nagpakilala.
“Ako nga po pala si Ruben Magbanua, head ng document controller department,” mahangin nitong sambit.
Si Mytha naman, nag-nod lang at ngumiti ng hilaw sa lalaki. Kahit ayaw n’ya, napilitan s’yang makipagkamay rito dahil sa isip-isip n’ya, ayaw n’yang maging rude sa mga senior rito sa kompanya.
“Ano po pala pangalan ninyo?”
Kinilabutan naman ang dalaga dahil ‘di s’ya sanay na binibigyan ng atensyon. Bukod pa run, masyadong mapilit ang lalaki.
“Ako po si Mytha Rodriguez, Sir,” magalang na sagot ng dalaga.
Sabay-sabay namang ngumiti ang mga lalaking nakapalibot sa kan’ya.
“Angel po ba kayo?”
Napakunot ng noo ang dalaga.
“Sobrang ganda n’yo po kasi kaya akala ko po anghel kayo.”
Napalunok na lang si Mytha at agad n’yang nalasaan ang pakla sa kan’yang bibig. Napaka-corny kasi ng lalaki at ‘di bagay sa edad n’ya ang mga pang-teenager na mga banat.
Muli lang ngumiti ang dalaga at mahahalata ang kan’yang pagkailang sa pinapakitang expression.
“Bago lang ba kayo rito? Parang ngayon ko lang kasi kayong nakita,” dagdag na saad ng lalaki.
‘Di na lang sumagot pa si Mytha sa halip ay tumango lang.
“Ano pala ang posisyon ninyo?” Mas lalong kinilabutan ang dalaga dahil masyadong nang nagiging kampante ang lalaking humawak sa balikat n’ya.
“Secretary po, Sir.” Kahit anong iwas ni Mytha sa balikat n’ya ay ayaw talagang alisin ng lalaki ang pagkakaakbay sa kan’ya.
“Talaga? Kanino?”
Biglang tumahimik si Mytha at pinag-isipan ng husto kung maari n’ya bang ilahad ang pangalan ng CEO. May kung ano namang bumulong sa utak ng dalaga na nagdulot sa kan’ya upang sabihin sa mga lalaki ang pangalan ng kan’yang amo.
“Ni Sir Markle Beaurlington po.”
Dahil dito ay biglang napaurong ang mga lalaki. Kasabay naman nito ay ang pagbukas ng pinto ng elevator.
Agad na pumasok ang dalaga.
Laking buntong-hininga n’ya naman nang mapansing wala na ang mga lalaking umaaligid sa kan’ya kanina. Nag pagpag na lang s’ya ng suot. Nahulas s’ya at nanlapot bunsod ng nangyari. Mabuti na lang talaga at sobrang lamig ng aircon sa loob ng elevator.
Mag-isang lulan ng elevator si Mytha. Nagtataka nga s’ya kung bakit wala s’yang kasabay ngayon eh nung nakaraan halos maghalo-halo na ang amoy ng mga sumasakay dahil siksikan.
Ikinatuwa naman ito ng husto ng dalaga dahil ibig sabihin nito, mabilis lang s’yang makaakyat sa top floor at iwas pagka-late.
‘Di nagtagal ay nakarating na nga s’ya sa executive floor.
Isa-isa nang nagsidatingan ang mga may-ari ng cubicle. Nagulat na lang din si Mytha nang biglang yumuyuko sa harapan n’ya ang mga tao sa loob.
‘Di n’ya napigilang mahiya gayong lahat ng mga tao sa buong floor na ito ay mas senior sa kan’ya sa edad at sa length-of-service dito sa kompanya.
Maya-maya’y may isang babaeng medyo may edad nang nakangiti habang lumalapit kay Mytha. Mapaghahalataang mabait ito dahil sa pungay at mayumi nitong ekspresyon sa mukha.
“Hi, Miss Mytha. Ako nga po pala si Deta Dichosa, administrative aide po dito sa executive office,” magalang at mabining pagpapakilala ng matanda.
“Hello po, Miss Deta,” namumulang saad ni Mytha.
“Paano n’yo po pala ako nakilala?”
Ngumiti lang ang babae at saka nagpaliwanag.
“May binigay kasing memo si Miss Jill sa’min nung biyernes. Pinakilala ka pong bagong secretary ni Sir Markle.” Kailangan din naman kasing ipakilala s’ya para alam na ng lahat kung sino dapat ang kanilang lalapitan kung sakaling may importante silang kailangan sa CEO. Dahil dito ay nag-update na rin ng organizational structure ang buong executive office.
“Miss Deta, please drop the honorifics towards me. Kayo po ang senior ko rito sa kompanya kaya ‘di n’yo po kailangang mag ‘po’ po sa’kin.
Muling ngumiti ang matanda at umiling. “That’s not how things work in here, Miss Mytha. Dapat lang po talagang magbigay ng respeto sa mga may mas mataas na posisyon kesa sa kanila ang lahat ng empleyado po rito.”
Napakunot naman ng noo ang dalaga dahil ‘di s’ya sumasang-ayon sa policy na ito ng kumpanya. At dahil dito, napahalakhak na lang ang matanda dahilan upang isa-isang lumapit kay Mytha ang lahat at nagpakilala.
Mas maraming mga babaeng empleyado sa floor na ito kesa sa mga lalaki. At napansin din ni Mytha na halos lahat ng mga empleyado na nasa floor na ito ay magaganda at ang gagwapo.
Matapos magpakilala ng lahat kay Mytha ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang cubicle. Dahil dito ay napatingin ang dalaga sa kan’yang relo at nakitang saktong alas otso na pala ng umaga.
“Miss Deta, pwede po bang magtanong?”
“Oo naman, Miss Mytha,” muling saad na nakangiti ng babae.
“Anong oras po ba madalas dumadating si Sir Markle dito?” Bago sumagot ay tumingin muna ang babae sa kan’yang relo.
“Maya-maya, nandito na s’ya.”
Maya-maya’y biglang sumulpot mula sa hallway si Miss Jill at tinawag si Mytha dahilan upang maputol ang pag-uusap ng dalawa.
“Miss Mytha!” Agad namang hinanap ng dalaga ang pinanggalingan ng boses.
“Magandang umaga po, Miss Jill.” Sabay yumuko s’ya habang lumalapit sa babae.
“Are you ready to take on the biggest challenge in your life?” tease the HR Head.
“Yes, Miss Jill,” Mytha replied confidently.
“Please follow me so that I can walk you through as to what your job entails,” nakangiting saad ng HR Head. Agad namang nagpaalam ang dalaga kay Miss Deta at mahinhing sumunod kay Miss Jill na sobrang bilis na naglalakad.
Nang nakapasok na sila sa loob, napangiti na lang ang dalaga dahil sa wakas, magsisimula na s’yang magtrabaho sa kompanyang ito.
Malaking karangalan kasi ito para sa kan’ya dahil wala pang alumni mula sa school n’ya ang nakapasok dito sa Saphire Holdings and Enterprises. Kumbaga, ang SHE kasi ang pinakamithiin ng lahat ng mga professionals na maging first job.
Maliban sa ito ang numero unong kompanya sa buong bansa, malaking stepping din ito kung sakali mang gusto ni Mytha na lumipat sa ibang kompanya para subukan ang panibagong paglalakbay sa career n’ya.
"Jasper called to let me know that the CEO will be late for today's meeting because he has an important family matter to attend to. What time will he arrive here? That I don't know," she declares, directing Mytha to the receiving area, which has large leather couches.
“That said, I will just run you over as to what your job really entails.”
Sabay na silang umupo at nagsimula nang mag-usap.
“Alam kong nabigyan na kita ng short orientation about your job description last Friday pero gusto ko lang ulit marinig at malaman mula sa’yo kung talagang nakuha mo ‘yung sinabi ko nung nakaraan.”
Tumango lang si Mytha at tinabi ang kan’yang bag sa gilid.
“Can you tell me what your job will be as an executive secretary?”
Huminga muna ng malalim ang dalaga bago sumagot. Kinatuwa naman ito ni Miss Jill pero agad ding nagseryoso.
“As an executive secretary, I will provide high-level clerical and administrative support and assistance to the executive or whomever higher in position. I will also perform clerical and administrative tasks including drafting letters, memos, invoices, reports, and other documents for senior staff. Schedules and attends meetings on behalf of executives, taking notes and recording minutes. Receives incoming communication or memos on behalf of senior staff, reviews contents, determines importance, and summarizes and/or distributes contents to appropriate staff. Performs office tasks including maintaining records, ordering supplies, and performing basic bookkeeping. Should there be any need to go abroad to venture into possible partnerships, I will arrange travel and accommodations. And lastly, performs other related duties as assigned.”
Dahil sa sagot ng dalaga ay mas lalong napahanga sa kan’ya si Miss Jill. Napanganga nito ang kan’yang bibig at umiiling habang nakangiti.
“You really deserve this job, Miss Mytha.”
“Thank you po, Miss Jill.” At pagkatapos n’yang sabihin ito, biglang namula ang kan’yang mga pisngi at nang-init ang buong mukha. ‘Di kasi s’ya sanay na i-praise ng tao sa paligid n’ya. Nasanay s’ya na purong pangungutya lang ang laging natatanggap. Kaya naman, malugod na ikinatutuwa ng puso n’ya ang makatanggap ng pagkilala mula sa ibang tao.
“To summarize it all, the position of an executive secretary serves as the first point of contact for internal and external parties contacting the CEO. Kumbaga, ikaw ‘yung gatekeeper. Lahat dadaan muna sa’yo bago ito tuluyang umabot kay Mr. Markle.”
Tumango lang si Mytha na nagpapahiwatig na naiintindihan n’ya ang pinupunto ni Miss Jill.
“I know that you are very meek as a person but let me give you a piece of advice.” Dahan-dahang umisog si Miss Jill palapit kay Mytha.
“Bilang isang executive assistant, kailangan mong magkaroon ng isang personality na hindi lahat ng bagay na gustong mangyari ng mga tao sa loob at labas ay sasang-ayunan mo at irirekomenda mo rin ito kay Mr. Markle. Ngayon lang masusubok ang pagiging decisive mo as an executive secretary of none other than the CEO himself.”
“I understand po.”
“Bakit ko ba ito sinasabi sa’yo? Dahil alam kong sa paglipas ng panahon, kayo-kayo lang din ang mag-uusap patungkol sa kung ano ang mabuti o magandang gawin sa isang bagay. Maliban kay Sir Jasper, hihingi rin sa’yo ng opinyon ang CEO kaya kailangan mong ibuhos ang buong puso at isipan mo sa trabahong ito.”
“Nauunawaan ko po, Miss Jill.”
Pagkatapos nito ay unti-unting ngumiti ang babae sabay tinapik ang balikat ng dalaga.
“Sa ibang bagay, si Sir Jasper na ang magtuturo sa’yo. May mga daily routine kasing ginagawa si Mr. Markle at tanging si Jasper lang ang isa sa mga nakakaalam nun.”
Ngumiti lang si Mytha sabay tumango.
Maya-maya’y tumayo na si Miss Jill at nag-ayos kaunti ng sarili. “I guess that’s all I have to say.”
‘Di nagtagal ay unti-unti na itong naglakad papuntang pinto.
“You may now settle in your desk, Miss Mytha. At kung may kailangan ka man patungkol sa desk mo o upuan, tawagan mo lang ang general services department para mapalitan nila ng mas angkop sa kagustuhan mo.”
Ngumiti naman si Mytha. Walang puspos ang pagkagalak ng kan’yang puso. “’Di na po, Miss Jill. Sobrang okay po nito sa’kin.”
Nag-nod lang sa kan’ya ang babae at pagkatapos ay lumabas na at humabol pa ng may pa-twiddle ng kan’yang mga daliri bilang pagpapaalam.
Nang naiwan na lang s’yang mag-isa sa loob ng napakalawak na silid. ‘Di maiwasan ni Mytha na mapalingon sa direksyon ng office table ni Markle. ‘Di n’ya rin masuri ang sarili dahil nagdulot ng malaking ginhawa sa kan’ya ang katotohanang wala pa ang kan’yang amo. Pero may parte rin sa pagkatao n’ya na para bang hinahanap-hanap ito.
Nilagay ni Mytha ang kan’yang bag sa ilalim ng drawer ng malaki n’yang mesa. Umikot na rin s’ya sa buong silid at sinigurong maayos ito at magugustuhan ng kan’yang boss. ‘Di n’ya na rin masyadong pinakialaman ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa ng kan’yang amo. Tanging ‘yung mga kaunting kalat lang ang niligpit n’ya.
Habang hinihintay ang kan’yang amo at si Jasper, binasa muna ni Mytha ang employee handbook na may isang daang pahina. Dagdag pa run, binasa n’ya na rin muna ‘yung procedure and work instruction manual na nasa ibabaw ng kan’yang mesa na naka-hardbound at mayroong lagpas anim na daang pahina.
Dahil wala pa naman s’yang ginagawa, nilibang n’ya na rin ang sarili sa pagbabasa ng mga libro na ito.