“Anong ginagawa mo dito at may dala ka pang bag?” tanong ni Alex. Tinignan lang s’ya ni Andrew bago nilagpasan, napakamot nalang ako ng ulo ko sa inasta n’ya. Ang bastos talaga ng lalaking ‘yon. “Sasama daw s’ya” tumango naman si Alex. Binuhat n’ya ang bag n’ya bago inalok ang isang kamay n’ya sakin. “Ako na mag bubuhat ng bag mo” alok n’ya bago kinuhan ang bag ko. “Hindi baldado ‘yan, di naman kailangan ikaw pa ang mag bitbit.” Inirapan ko lang s’ya ng sabihin n’ya yon. Palibhasa hindi s’ya gentleman katulad ng pinsan n’ya. Samantala s’ya kahit pag lipat nalang ng TV na pinapanuod n’ya ay iuutos n’ya pa. “Kumain ka na ba?” tanong ni Alex na hindi pinansin ang sinabi ni Andrew. Mukha tuloy s’yang tanga. “Hindi ko naman ‘yan ginutom.” Singit nanaman ni Andrew, tinignan ko nanaman s

